primarya at sekondaryang sanggunian

Cards (13)

  • Ano ang primaryang sanggunian?
    Ang primaryang sanggunian ay pinanggalingan ng impormasyon mula sa mga original na tala ng mga pangyayaring isinulat o ginawa ng mga taong nakaranas ng mga ito.
  • Ano ang mga halimbawa ng primaryang sanggunian?

    Mga halimbawa ng primaryang sanggunian ay talaarawan, dokumento, pahayagan, at talumpati.
  • Ano ang sekondaryang sanggunian?
    Ang sekondaryang sanggunian ay mga detalye at interpretasyon batay sa primaryang pinakunan.
  • Ano ang mga halimbawa ng sekondaryang sanggunian?
    Mga halimbawa ng sekondaryang sanggunian ay aklat, encyclopedia, komentaryo, at political cartoons.
  • Ano ang pagkakaiba ng katotohanan at opinyon?

    Ang katotohanan ay totoong pahayag na pinatutunayan ng aktwal na datos, habang ang opinyon ay nagpapahiwatig ng saloobin at kaisipan ng tao.
  • Ano ang katotohanan?
    Ang katotohanan ay totoong pahayag o pangyayari na pinatutunayan sa tulong ng mga aktwal na datos.
  • Ano ang opinyon?
    Ang opinyon ay kuro-kuro, palagay, o haka-haka na nagpapahiwatig ng saloobin at kaisipan ng tao.
  • Bakit mahalaga ang walang kinikilingan sa pagsusuri ng impormasyon sa agham panlipunan?
    Mahalaga ang walang kinikilingan upang makuha ang tunay na impormasyon at maiwasan ang bias.
  • Ano ang ibig sabihin ng bias?
    Ang bias ay ang pagkiling o pag-aanalisa ng impormasyon na may kaugnayan sa agham panlipunan na kinakailangang walang kinikilingan.
  • Ano ang hinuha?
    Ang hinuha ay pinag-isipang hula o educated guess tungkol sa bagay na nakabuo ng isang konklusyon gamit ang kaalaman at karanasan.
  • Ano ang paglalahat?
    Ang paglalahat ay konklusyon na nabuo sa pagkakatapos ng pag-aaral, obserbasyon, at pagsusuri ng mga ebidensya.
  • Ano ang konklusyon?
    Ang konklusyon ay ang desisyon, kaalaman, o ideyang nabuo matapos ang pag-aaral at pagsusuri ng mga ebidensya.
  • Ano ang mga hakbang sa pagbuo ng paghihinuha, paglalahat, at konklusyon?
    1. Paghihinuha: pinag-isipang hula o educated guess.
    2. Paglalahat: konklusyon mula sa pag-aaral at pagsusuri.
    3. Konklusyon: desisyon o ideyang nabuo mula sa ebidensya.