AP

Cards (80)

  • Ano ang tawag sa sinaunang estado ng Cambodia na kauna-unahang maunlad na ekonomiya sa Timog-Silangang Asya?
    Kabihasnang Funan
  • Ano ang mga pangunahing aspeto ng ekonomiya ng Kabihasnang Funan?
    Masaganang agrikultura at pakikipagkalakalan
  • Saan nagsimula ang masaganang lambak ng Kabihasnang Funan?
    Sa Mekong River noong ika-unang siglo CE
  • Ano ang nangyari sa Kabihasnang Funan noong ika-anim na siglo?
    Sinama ito sa estado ng Chenla na bahagi ng Timog Cambodia at Laos
  • Alin sa mga sumusunod ang bahagi ng teritoryo ng Funan?
    Vietnam, Thailand, at Cambodia
  • Anong mga bansa ang nakipagkalakalan sa Funan mula ikatlo hanggang ikaanim na siglo?
    India at China
  • Ano ang mahalagang impluwensya na natamo ng Funan?
    Kulturang India
  • Ano ang kinikilala sa Funan bilang kauna-unahang kaharian sa Timog-Silangang Asya?

    Naimpluwensyahan ng Hinduism
  • Ano ang pangunahing produkto ng mga magsasaka sa Funan?
    Bigas
  • Anong uri ng pagsusulat ang natagpuan sa mga Funanese?
    Sanskrit
  • Ano ang nangyari sa Funan noong ikapitong siglo ng CE?
    Nagsimulang humina ang Funan sanhi ng pagkatuklas ng mga mangangalakal ng iba pang ruta
  • Alin ang naging makapangyarihang dinastiya na namahala sa Cambodia, Laos, at Vietnam mula ika-anim hanggang ika-walong siglo?

    Kaharian ng Chenla
  • Ano ang hangganan ng Imperyo ng Angkor o Khmer?
    Abot hanggang Hilagang China, Timog Malaysia, Kanluran ng Myanmar, Timog ng kaharian ng Champa, at South China Sea
  • Ano ang mga pangunahing produkto ng ekonomiyang Khmer?
    Bigas at Isda
  • Bakit mahalaga ang Mekong River sa mga Khmer?
    Isa itong mahalagang ruta ng kalakalan sa hilaga at katimugang rehiyon ng Imperyo
  • Anong mga paniniwala ang mayroon ang mga Khmer?
    Iba't ibang uri ng paniniwala, ngunit nakakahigit ang pananalig sa Hinduism na napalitan ng Buddhism
  • Ilan ang lalawigan ng Khmer at sino ang namamahala dito?
    23 lalawigan na pinangangasiwaan ng mga opisyal
  • Sino ang ilan sa mga namumuno ng Khmer?
    Jayavarman II
  • Ano ang naging papel ni Jayavarman II sa kalakalan?
    Pinangibabawan ng kahariang ito ang kalakalan sa pagitan ng India at China
  • Saan itinatag ang kabisera ng Khmer?
    Sa Lungsod ng Angkor
  • Ano ang natamo ng Imperyong Khmer noong panahon ni Jayavarman VII?
    Natamo ang tugatog ng kapangyarihan
  • Ano ang mga proyekto na itinayo ni Jayavarman VII?
    Mga templo, naglalakihang imbakan ng tubig, mga kanal, at malalawak na kalasada
  • Kailan ipinagawa ang Templo ng Angkor Wat at sino ang nagpagawa nito?
    Noong 1122 CE, ipinagawa ni Suryavarman II
  • Ano ang representasyon ng Templo ng Angkor Wat?

    Isang representasyon ng sandaigdigang relihiyon ng Hinduism
  • Ano ang sukat ng Templo ng Angkor Wat?
    200 hektarya
  • Ano ang nangyari sa imperyo ng Khmer noong 1430?
    Bumagsak ito bunga ng hindi napigilang rebelyon mula sa mga kahariang kanilang sinakop
  • Ano ang tawag sa kauna-unahang Kahariang Burmese?
    Kahariang Pagan o Bagan
  • Ano ang naging kontribusyon ng Kahariang Pagan sa kasalukuyang kabihasnan ng Myanmar?
    Naglatag ng pundasyon ng kasalukuyang kabihasnan ng Myanmar
  • Ano ang mga wika at kultura na ipinalaganap ng Kahariang Pagan?
    Wika at kultura ng pangkat etnikong Bamar at pananalig na Theravada Buddhism at Mahayana Buddhism
  • Saan nagsimula ang Kahariang Pagan?
    Bilang isang maliit na pamayanan sa Pagan na Bagan malapit sa Irrawaddy River
  • Sino ang nagtatag ng Imperyong Pagan?
    Si Anawrahta
  • Ano ang ginawa ni Anawrahta para sa kanyang kaharian?
    Tinanggap ang Buddhism bilang pangunahing pananalig at ipinasalin ang mga banal na kasulatang Buddhist sa wikang Burmese
  • Ano ang nangyari sa ilalim ng pamumuno ng sumunod na hari kay Anawrahta?
    Napalawak ang impluwensiya sa Katimugan ng Myanmar at Hilaga ng Malay Peninsula
  • Ano ang nakilala sa Imperyong Pagan at Khmer?
    Bilang pangunahing imperyo sa rehiyon ng Mainland TSA
  • Ano ang nangyari sa wika at kulturang Burmese sa ilalim ng mga sumunod na hari kay Anawrahta?
    Unti-unting nangibabaw sa itaas ng lambak ng Irrawaddy
  • Ano ang nangyari sa Bagan Archeological Zone sa ilalim ng mga sumunod na hari kay Anawrahta?
    Nagpagawa ng mahigit sa 10,000 templong Buddhist at natagpuan ang 2,000 nito
  • Ano ang tawag sa kilalang nagharing dinastiya sa Burma noong kalagitnaan ng ika-15 siglo?
    Kabihasnang Toungoo
  • Sino ang tagapagtatag ng dinastiyang Toungoo?
    Si Tabinshwehti
  • Ano ang ginawa ni Tabinshwehti sa Hilagang Myanmar?
    Nasakop ang pangkat ng mga Mohnyin Shan
  • Ano ang mga lugar na nasakop ni Tabinshwehti?
    Hanggang Sittang River, lunas ng Irrawaddy, at Mon na kabisera ng Pegu