q1 reviewer

Cards (138)

  • Ano ang kahulugan ng wika ayon kay Noah Webster (1974)?
    Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbolo.
  • Ano ang pangunahing gamit ng wika ayon kina Paz, Hernandez at Peneyra (2003)?

    Ang wika ay tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan natin.
  • Ano ang sinabi ni Henry Gleason tungkol sa wika?
    Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
  • Ano ang kahulugan ng wika ayon sa Cambridge Dictionary?
    Ang wika ay isang sistema ng komunikasyong nagtataglay ng mga tunog, salita at gramatikang ginagamit sa pakikipagtalastasan ng mga mamamayan sa isang bayan o sa iba’t ibang uri ng gawain.
  • Ano ang Latin at Pranses na katapat ng salitang "wika"?

    Ang "wika" ay may katapat na salitang Latin na "lingua" at salitang Pranses na "langue".
  • Ano ang pananaw ni Charles Darwin tungkol sa wika?
    Ang wika ay hindi tunay na likas sapagkat ang bawat wika ay kailangan munang pag-aralan bago matutuhan.
  • Ano ang ibig sabihin ng Wikang Pambansa?

    Wikang Pambansa ay wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan na ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnayan sa mamamayang kaniyang sakop.
  • Ano ang kahulugan ng Wikang Opisyal?

    Wikang Opisyal ay ang prinsipal na wikang ginagamit sa edukasyon, pamahalaan, politika, komersiyo at industriya.
  • Ano ang tinutukoy na Wikang Panturo?
    Wikang Panturo ay wikang ginagamit sa pagtatamo ng mataas na antas ng edukasyon.
  • Ano ang mga pangunahing kahalagahan ng wika?
    1. Instrumento ng komunikasyon
    2. Nag-iingat at nagpapalaganap ng kaalaman
    3. Nagbubuklod ng bansa
    4. Lumilinang ng malikhaing pag-iisip
  • Ano ang papel ng wika bilang instrumento ng komunikasyon?
    Ang wika ay pangunahing kasangkapan ng tao sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan.
  • Paano nag-iingat at nagpapalaganap ng kaalaman ang wika?
    Maraming kaalaman ang naisasalin sa ibang saling-lahi at napapakinabangan ng ibang lahi dahil sa wika.
  • Paano nagbubuklod ng bansa ang wika?
    Ano mang wika ay maaaring maging wika ng pang-aalipin, ngunit maaari rin itong gamitin upang pagbuklurin ang isang bansa sa layuning pagpapalaya.
  • Paano lumilinang ng malikhaing pag-iisip ang wika?
    Ang wikang nakasulat o sinasalita ay nagdidikta sa ating isipan upang gumana at lumikha ng imahinasyon.
  • Ano ang mga katangian ng wika?
    1. Masistemang balangkas
    2. Sinasalitang tunog
    3. Pinipili at isinasaayos
    4. Arbitraryo
    5. Ginagamit
    6. Nakabatay sa kultura
    7. Nagbabago
  • Ano ang ibig sabihin ng masistemang balangkas ng wika?

    Lahat ng wika sa daigdig ay sistematikong nakasaayos sa isang tiyak na balangkas.
  • Ano ang ponema?
    Ponema ay makahulugang tunog ng isang wika.
  • Ano ang ponolohiya?
    Ponolohiya ay makaagham na pag-aaral ng makahulugang tunog ng isang wika.
  • Ano ang morpema?
    Morpema ay maliit na yunit ng salita.
  • Ano ang morpolohiya?
    Morpolohiya ay makaagham na pag-aaral ng maliit na yunit ng salita.
  • Ano ang sintaksis?
    Sintaksis ay makaagham na pag-aaral ng mga pangungusap.
  • Ano ang diskurso?
    Diskurso ay kapag nagkaroon na ng makahulugang palitan ng mga pangungusap.
  • Bakit hindi lahat ng tunog ay wika?
    Dahil hindi lahat ng tunog ay may kahulugan.
  • Ano ang mga salik para makapagsalita?
    1. Enerhiya
    2. Artikulador
    3. Resonador
  • Ano ang papel ng enerhiya sa pagsasalita?
    Enerhiya ang pwersang nalilikha ng hanging papalabas galing sa baga.
  • Ano ang papel ng artikulador sa pagsasalita?
    Ang artikulador ay nagpapagalaw sa hangin na lumilikha ng tunog.
  • Ano ang papel ng resonador sa pagsasalita?
    Ang resonador ay responsable sa pagbabago-bago ng tunog o nagmomodipika ng tunog.
  • Bakit pinipili at isinasaayos ang wika?
    Pinipili natin ang wikang ating gagamitin upang tayo ay maunawaan ng ating kausap.
  • Ano ang ibig sabihin ng pagiging arbitraryo ng wika?
    Ang isang taong walang ugnayan sa isang komunidad ay hindi matututong magsalita kung paanong ang mga naninirahan sa komunidad na iyon ay nagsasalita.
  • Ano ang kahalagahan ng paggamit ng wika?
    Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at kailangang patuloy itong ginagamit.
  • Ano ang epekto kapag ang wika ay hindi na ginagamit?
    Kapag ang wika ay hindi na ginagamit, ito ay unti-unting mawawala at tuluyang mamamatay.
  • Paano nakabatay ang wika sa kultura?
    Nagkakaiba-iba ang mga wika sa daigdig dahil sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at mga pangkat.
  • Bakit nagbabago ang wika?
    Dahil ang isang wika ay maaaring madagdagan ng mga bagong bokabularyo bunga ng pagiging malikhain ng mga tao.
  • Ano ang mga antas ng wika?
    1. Pormal
    • Pambansa
    • Pampanitikan
    1. Impormal
    • Lalawiganin
    • Kolokyal
    • Balbal
  • Ano ang ibig sabihin ng pormal na wika?
    Ang pormal na wika ay mga salitang istandard na kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami.
  • Ano ang kahulugan ng wika ayon kay Noah Webster (1974)?
    Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbolo.
  • Ano ang pambansang wika?
    Ang pambansang wika ay mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/pambalarila sa lahat ng mga paaralan.
  • Ano ang pampanitikang wika?
    Ang pampanitikang wika ay mga salitang ginagamit ng mga manunulat sa kanilang akdang pampanitikan.
  • Ano ang pangunahing gamit ng wika ayon kina Paz, Hernandez at Peneyra (2003)?

    Ang wika ay tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan natin.
  • Ano ang impormal na wika?
    Ang impormal na wika ay mga salitang karaniwan, palasak, pang-araw-araw na madalas nating gamitin sa pakikipag-usap.