Araling Panlipunan ( quarter 1 pt reviewer )

Subdecks (2)

Cards (73)

  • Ano ang ibig sabihin ng heograpiya?
    Ang heograpiya ay ang pag-aaral sa mga pisikal na katangian ng daigdig, mga lugar sa mundo, at relasyon ng tao sa kanyang kapaligiran.
  • Ano ang pinagmulan ng salitang heograpiya?
    Ang heograpiya ay nagmula sa dalawang salitang Griyego na "geo" (mundo o daigdig) at "graphein" (ilarawan).
  • Ano ang mga bahagi ng heograpiya?
    • Lokasyon
    • Lugar
    • Rehiyon
    • Interaksyon ng tao at kapaligiran
    • Paggalaw
  • Ano ang ibig sabihin ng lokasyon sa heograpiya?
    Ang lokasyon ay nagsasaad ng mga lugar sa mundo.
  • Ano ang dalawang paraan upang malaman ang tamang kinalalagyan ng isang lugar?
    Ang dalawang paraan ay ang relatibong lokasyon at lokasyong absolute.
  • Ano ang relatibong lokasyon?
    Ang relatibong lokasyon ay ginagawang basehan ang mga anyong lupa, anyong tubig, at mga estrukturang gawa ng tao sa paligid ng isang lugar.
  • Ano ang lokasyong absolute?
    Ang lokasyong absolute ay ginagamit ang mga guhit ng latitud at longhitud na sumasaklaw sa grid.
  • Ano ang ibig sabihin ng lugar sa heograpiya?
    Ang lugar ay nagsasaad ng mga katangiang naaayon sa isang pook, tulad ng klima at likas na yaman.
  • Ano ang mga katangian ng isang lugar?
    Ang mga katangian ng isang lugar ay kinabibilangan ng klima, anyong tubig, likas na yaman, wika, relihiyon, at densidad ng populasyon.
  • Ano ang rehiyon sa heograpiya?
    Ang rehiyon ay nagsasaad ng mga bahagi ng daigdig na pinag-iisa dahil sa pagkakapareho ng mga katangiang pisikal at kultural.
  • Ano ang interaksyon ng tao at kapaligiran?
    Ang interaksyon ng tao at kapaligiran ay nagsasaad sa kaugnayan ng tao sa pisikal na katangian ng kanyang kinaroroonan.
  • Ano ang paggalaw sa heograpiya?
    Ang paggalaw ay nagsasaad ng pag-alis ng tao mula sa kinalakihang lugar papunta sa ibang lugar, kasama ang pagpalit ng mga bagay.
  • Ano ang ibig sabihin ng "distansya" sa heograpiya?
    Ang distansya ay gaano kalayo ang isang lugar.
  • Ano ang ibig sabihin ng "time" sa heograpiya?
    Ang time ay gaano katagal ang paglalakbay.
  • Ano ang mga layer ng Earth?
    • Inner Core
    • Outer Core
    • Mantle
    • Crust
  • Ano ang ibig sabihin ng "AM" at "PM"?
    AM ay Ante Meridian (Bago Ang Tanghali) at PM ay Post Meridian (Pagkatapos ng Tanghali).
  • Ano ang heograpiyang pantao?
    • Pag-aaral ng tao at kanilang kultura
    • Pangkalahatang pag-unawa sa mga etniko at lahi
  • Ano ang ibig sabihin ng "wika" sa konteksto ng heograpiya?
    Ang wika ay itinuturing bilang kaluluwa at salamin ng isang kultura.
  • Ilan ang buhay na wika sa mundo?
    Mayroong 7,105 buhay na wika sa mundo.
  • Ano ang mga pamilya ng wika?
    • Afro-Asiatic
    • Austronesian
    • Indo-European
    • Niger-Congo
    • Sino-Tibetan
  • Ano ang ibig sabihin ng "lahi" sa heograpiya?
    Ang lahi ay nagmula sa salitang religare na nangangahulugang pagsamasama o pagkakabuklod.
  • Ano ang pangunahing relihiyon sa daigdig?
    Ang pangunahing relihiyon sa daigdig ay Kristiyanismo, Islam, at Hinduismo.
  • Ano ang ibig sabihin ng "etniko"?
    Ang etniko ay mula sa salitang Griyego na "ethos" na ibig sabihin ay mamayanan.
  • Ano ang pagkakaiba ng lahi at etniko?
    Ang lahi ay pagkakalinlan ng isang pangkat, habang ang etniko ay tumutukoy sa mga pangkat etnolingguwistiko na gumagamit ng iisang wika.
  • Ano ang mga yugto ng pag-unlad sa prehistorikong panahon?
    1. Paleolitiko: panahon ng lumang bato
    2. Mesolitiko: gitnang panahon ng bato
    3. Neolitiko: panahon ng bagong bato
    4. Panahon ng Metal: tanso, bronse, bakal
  • Ano ang ibig sabihin ng Paleolitiko?
    Ang Paleolitiko ay panahon ng lumang bato.
  • Ano ang mga katangian ng Paleolitiko?

    Sa Paleolitiko, gumamit ng kasangkapan na yari sa magaspang na bato at natuklasan ang paggamit ng apoy.
  • Ano ang ibig sabihin ng Mesolitiko?
    Ang Mesolitiko ay nangangahulugang gitnang panahon ng bato.
  • Ano ang mga katangian ng Mesolitiko?

    Sa Mesolitiko, nakagawa ng mga kasangkapan na yari sa pinakinis na bato at nanirahan sa mga pampang ng ilog at dagat.
  • Ano ang ibig sabihin ng Neolitiko?
    Ang Neolitiko ay panahon ng bagong bato.
  • Ano ang mga katangian ng Neolitiko?
    Sa Neolitiko, nakagawa ng mga kasangkapan na yari sa matutulis na bato at nagsimula ng pagsasaka at pamamalagi sa komunidad.
  • Ano ang ibig sabihin ng Panahon ng Metal?

    Ang Panahon ng Metal ay ang panahon kung saan nagsimula ang paggamit ng kasangkapan na yari sa tanso, bronse, at bakal.
  • Ano ang mga katangian ng Panahon ng Tanso?
    Sa Panahon ng Tanso, nag-umpisa ang paggamit ng kasangkapan na yari sa tanso at napahusay ang paglikha ng mga kasangkapan.
  • Ano ang mga katangian ng Panahon ng Bronse?
    Sa Panahon ng Bronse, nadiskubre ang bagong proseso sa pagpapatibay ng bronse bilang kasangkapan at nakalikha ng mga kasangkapan gaya ng espada at palakol.
  • Ano ang mga katangian ng Panahon ng Bakal?
    Sa Panahon ng Bakal, ang mga Hittite ang nakadiskubre ng bakal.