02: Wikang Panturo, Opisyal at Pambansa

Cards (7)

  • Ang pagkakaroon ng isang wikang pambansa, sa gayon, ay nagmimithing mabilis magkaunawaan at sibulan ng damdamin ng pagkakaisa ang mga mamamayan na may iba-ibang wikang katutubo. Katulong ito ng isang pambansang watawat, pambansang awit, at iba upang pambansang sagisag sa pagtatatag ng isang pambansang pamahalaan.
  • Filipino ang wikang gagamitin sa mga usaping pambansa at pangangailangang pambansa ng Sambayanang Pilipino.
  • Ang wikang panturo ay ang wikang opisyal na ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitan sa pagtuturo sa silid-aralan.
  • Itinaguyod ng Pangulong Corazon C. Aquino ang diwa ng probisyong ito ng 1987 Konstitusyon sa pamamagitan ng Executive Order No. 335 na :

    "Nag-aatas sa Lahat ng mga Kagawaran/Kawanihan/ Opisina/ Instruemntaliti ng Pamahalaan na Magsagawa ng mga Hakbang na Kailangan para sa Layuning Magamit ang Filipino sa Opisyal na mga Transaksiyon, Komunikasyon, at Korespondensiya.”
  • Artikulo XIV ng Saligang Batas 1987:

    SEK.7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wika ng rehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing opisyal na pantulong na midyum ng pagtuturo.
    Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic.
  • Ang Wikang Opisyal ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ibig sabihin, ito ang wika na maaaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon, lalò na sa anyong nakasulat, sa loob at labas ng alinmang sangay o ahensiya ng gobyerno.
  • Wikang Opisyal
    1. Sa deliberasyon sa lehistura at pagsulat ng mga batas.
    2. Sa pag-isyu ng mga kautusang ehekutibo.
    3. Sa pormulasyon ng mga pambansang patakaran.
    4. Sa pagdaraos ng mga paglilitis at pagpapasya ng hukuman.
    5. Sa mga opisyal na porma at/o dokumento tulad ng lisensya, sertipiko, pasaporte atbp.
    6. Sa mga tungkulin at gawain ng estado.