Quarter 1

Cards (49)

  • Ayon kay Pierangelo Alejo, ang pamilya ay?
    Ang pangunahing institusyon ng lipunan na nabuo sa pamamagitan ng pagpapakasal.
  • Bakit itinuturing na likas na institusyon ang pamilya?
    Dahil ito ay pamayanan ng mga tao kung saan ang maayos na paraan ng pag-iral at pamumuhay ay nakabatay sa ugnayan.
  • Paano nabuo ang pamilya?
    Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng lalaki at babae na nagpakasal.
  • Ano ang papel ng pamilya sa lipunan?
    Ang pamilya ang una at pinakamahalagang yunit ng lipunan at ang pundasyon ng lipunan.
  • Ano ang itinuturing na orihinal na paaralan ng pagmamahal?
    Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahal.
  • Bakit itinuturing na hindi mapapalitang paaralan ang pamilya para sa panlipunang buhay?
    Dahil ito ang unang paaralan kung saan natututo ang mga tao ng mga halaga at asal sa lipunan.
  • Ano ang mga gampanin ng pamilya sa lipunan at politika?
    May panlipunan at pampolitikal na gampanin ang pamilya.
  • Ano ang mga mahalagang misyon ng pamilya?
    • Pagbibigay ng edukasyon
    • Paggabay sa mabuting pagpapasya
    • Paghubog sa pananampalataya
  • Kaakibat ng kagustuhan ng Diyos na igalang ng mga anak ang kanilang anak ay ang kagustuhan din Niya na?
    Ang katulad na paggalang at pagkilala ay ibigay ng mga magulang sa anak.
  • Orihinal na karapatan ng mga bata ang?
    Magkaroon ng maayos na edukasyon.
  • Karapatan ng mga magulang na?
    Turuan ang kanilang mga anak.
  • Ano ang pangunahing dapat ituro ng magulang?
    Wastong paggamit ng kalayaan sa mga materyal na bagay.
  • Ano ang mga birtud at pagpapahalaga na dapat pairalin?
    Pagtanggap, pagmamahal, at katarungan
  • Kung ang isang bata ay namumuhay pamumuna o pamimintas, natututo siyang maging?
    Mapanghusga
  • Kung ang isang bata ay namumuhay sa katiwasayan, natututo siyang?
    Maniwala sa sarili
  • Kung ang isang bata ay namumuhay sa poot, natututo siyang?
    Lumaban
  • Kung ang isang bata ay namumuhay sa pagtanggap, natututo siyang?
    Magmahal
  • Kung ang isang bata ay namumuhay sa takot, natututo siyang?
    Maging mapag-alala
  • Kung ang isang bata ay namumuhay sa pagkilala, natututo siyang?
    Bumuo ng layunin sa buhay
  • Kung ang isang bata ay namumuhay sa awa, natututo siyang?
    Magkaroon ng awa sa sarili
  • Kung ang isang bata ay namumuhay sa papuri, natututo siyang?
    Magustuhan ang sarili
  • Paggabay sa mabuting pagpapasya ang?
    Pangunahing makakatulong para ang isang tao ay maging matagumpay, masaya, at magkaroon ng ambag sa lipunan.
  • Paano masasanay ang pamilya sa pagsasagawa ng mga gawain ukol sa pananampalataya?
    ~ Tanggapin ang Diyos bilang sentro ng buhay pamilya.
    ~ Ituon ang pansin sa pag-unawa.
    ~ Gamitin ang pagkakataon na handa ang bawat kasapi upang makinig.
    ~ Hayaang maransan ang tunay at malalim nitong mensahe.
    ~ Tulungan ang bawat kasapi upang maitanim sa kanilang isipan ang mga itinuro sa pananampalatayan.
    ~ Iwasan ang pag-alok ng suhol.
    ~ Ipadanas ang pananampalataya na may kagalakan.
  • ______ ang tanging kayamanang maipapamana ng magulang sa kanyang mga anak?
    Edukasyon
  • Ano ang mga banta sa pagbibigay ng edukasyon?
    Kahirapan, impluwensya ng kaibigan, diskriminasyon sa lahi, at pag-usbong ng teknolohiya.
  • Ano naman ang mga banta sa paggabay sa mabuting pagpapasya?
    Labis na pagmamahal ng magulang, kawalan ng sapat na oras sa mga anak, at teknolohiya.
  • Ano ang mga banta sa paghubog ng pananampalataya?
    Kultura, oras, at teknolohiya.
  • Paano mapapa-unlad ang pag-aaral?
    ~ Pagtukoy sa istilo ng pagkatuto.
    ~ Pag-aaral sa komportableng lugar.
    ~ Pagtakda ng oras sa pag-aaral.
    ~ Pagbabalanse ng oras sa pag-aaral at paglilibang.
    ~ Pagtatala ng mga gawain.
    ~ Bumili at magbasa ng mga aklat.
    ~ Magbigay ng gantimpala sa sarili.
    ~ Magkaroon ng motivation.
  • Paano mapapa-unlad ang pananampalataya?
    ~ Pakikiisa sa mga grupo ng mananampalataya.
    ~ Pagbabasa at pagbabahagi ng mga salita ng Panginoon.
    ~ Pagsisimba kasama ng pamilya.
    ~ Pananalangin at pagsangguni sa Panginoon.
    ~ Pag-aalay bilang pasasalamat.
    ~ Paglalaan ng 10% sa kita para sa Panginoon.
    ~ Pagsunod sa mga dakilang utos ng Panginoon.
    ~ Paghingi ng kapatawaran sa mga pagkakasala.
  • Ang komunikasyon ay mula sa salitang Latin na?
    Communis, na ang ibig sabihin ay common o common understanding.
  • Ano ang ibig sabihin ng komunikasyon?
    Ito ay ang pagpapahayag o pagbibigay ng impormasyon, pakikipag-ugnayan, at ang pinakamahalagang tulay upang maipahayag ang nais iparating ng isang tao.
  • Ano ang diyalogo?
    Pag-uusap ng dalawang o higit pang tao sa paraang nagpapalitan ng mga salita o pahayag.
  • Ang bukas na komunikasyon ay?
    Nagsisilbing pundasyon sa relasyon sa pagitan ng kasapi ng pamilya.
  • Ang kawalan ng bukas na komunikasyon ay?
    Maaaring magdulot ng hindi pagkakaunawaan, pagkakaroon ng alitan o sama ng loob, at pwedeng humantong sa pagkakawatak-watak ng pamilya.
  • Ano ang mga hadlang sa mabuting komunikasyon?
    ~ Pagiging umid.
    ~ Pagkainis o pag-ilag sa usapan.
    ~ Mali o magkaibang pananaw.
    ~ Takot na ang sasabihin o ipapahayag ay daramdamin ng iba o didibdibin.
  • Ano ang mga paraan sa mabuting komunikasyon?
    Pagiging malikhain, pag-aalala at malasakit, pagiging hayag o bukas, atin-atin, at lugod o ligaya.
  • Ano ang mga uri ng komunikasyong pampamilya?
    Consensual, pluralistic, protective, at laissez-faire.
  • Ano ang komunikasyong consensual?
    Uri ng komunikasyong nanghihikayat sa anak na magbahagi ng opinyon ngunit sa huli ay desisyon pa rin ng magulang ang masusunod.
  • Ano ang komunikasyong pluralistic?
    Kumikilala sa pagkakaroon ng bukas na pag-uusap na walang panghihigpit at humihikayat sa bawat kasapi na magbahagi ng ideya.
  • Ano ang komunikasyong protective?
    Uri ng komunikasyong kailanman ay hindi pinapahalagahan ang pagkakaroon ng bukas na pag-uusap at ang magulang ay may mataas na pamantayang inaasahan sa anak.