Pagsulat

Cards (27)

  • pagsulat - ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag-aaral
  • Ayon kay Cecilia Austera et al 2009 - Ang pagsulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang WIKA.
  • Ayon kay Edwin Mabilin et al 2012 -Ito ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaring pagsulatan.
  • Ayon kay Mabilin (2012) -ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin sa bawat panahon.
  • Ang pagsusulat ay isa rin sa mga dapat pagtuonan ng pansin na malinang at mahubog sa mga mag-aaral sapagkat dito masusukat ang kanilang kahandaan at kagalingan sa iba't ibang disiplina.
  • Ang pakikinig, pagbabasa, at panonood madalas ang isang indibidwal na gumagawa nito ay kumukuha o nagdaragdag ng mga kaalaman sa kanyang isipan.
  • Subalit, sa pagsasalita at pagsusulat, ang taong nagsasagawa nito ay nagbabahagi ng kanyang kaisipan at nalalaman tungkol sa isang tiyak na paksa sa pamamagitan ng kanyang sinabi at isinulat.
  • Ayon kay Royo (2001) sa aklat na Pagbasa, Pagsulat at Pananaliksik, malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog sa damdamin at isipan ng tao.
  • Ayon kay Mabilin (2012) sa aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay maaring mahati sa dalawang bahagi: • Personal o Ekspresibo • Panlipunan o Sosyal
  • Personal o Ekspresibo - ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip, o nadarama ng manunulat.
  • Panlipunan o Sosyal - ang layunin ng pagsulat ay makipag-ugnayan sa ibang tao sa lipunang ginagalawan. • Transaksiyonal- ang iba pang tawag sa layuning ito.
  • Wika - Ang wika ang magsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumulat.
  • Paksa - Mahalagang magkaroon ng isang tiyak na paksa o tema ng isusulat. Ito ang magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda.
  • Layunin - Ang layunin ang magsisilbing giya mo sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.
  • Pamamaraan ng pagsulat - May limang pangunahing pamamaraan ng pagsulat upang mailahad ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o pakay ng pagsusulat:
  • Paraang Impormatibo - Kung saan ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa.
  • Paraang Ekspresibo - Kung saan ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon at kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa batay sa kanyang sariling karanasan o pag- aaral.
  • Paraang deskriptibo - Kung saan ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng mga katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakita, narinig, natunghayan, naransan at nasaksihan.
  • Paraang argumentatibo - Kung saan ang pagsulat ay naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa. Ito ay maglahad ng proposisyon at mga isyu ng argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan.
  • Kasanayang pampag-iisip ➤ Sa pagsulat, dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga o maging ng mga impormasyong dapat isama sa akdang isusulat.
  • Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat ► Dapat ding isaalang-alang sa pagsulat ang pagkaakroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika particular sa wastong paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng bantas, pagbuo ng makabuluhang pangungusap, pagbuo ng talata, at masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan upang makabuo ng isang mahusay na sulatin.
  • Kasanayan sa Paghabi ng buong Sulatin ➤ Tumutukoy ito sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos, organisado, obhetibo at masining na pamamaraan mula sa panimula ng akda o komposisyon hanggang sa wakas nito.
  • Malikhaing Pagsulat  Pangunahing layunin nito ay maghatid ng aliw, makapukaw damdamin, at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa.
  • Teknikal na Pagsulat - Ito ay ginagawa sa layuning pag aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan lutasin ang isang problema o suliranin.
  • Propesyonal na Pagsulat - Ito ay may kinalaman sa mga sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya. - Nakatuon sa isang tiyak na propesyon.
  • Reperensyal na Pagsulat  Layunin ng sulating ito na bigyang pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis at disertasyon.  Naglalayong magrekomenda ng iba pang sors hinggil sa isang paksa.
  • Dyornalistik na Pagsulat • Ito ay may kinalaman sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag.estilo ng pagsulat kung saan naglalaman ito ng mga importante at detalyadong impormasyon tungkol sa mga iba't ibang pangyayari sa loob at labas ng isang bansa.
    • estilo ng pagsulat kung saan naglalaman ito ng mga importante at detalyadong impormasyon tungkol sa mga iba't ibang pangyayari sa loob at labas ng isang bansa.