Memo, Adyenda, at Katitikan ng Pulong

Cards (13)

  • Ayon kay Prof. Ma Rovilla Sudprasert, ang memo o memorandum ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain tungkulin o utos. Sa memo nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing miting.
  • Ayon kay Dr. Darwin Bargo ang mga kilala at malalaking kompanya at mga institusyon ay kalimitang gumagamit ng mga colored stationery para sa kanilang memo.
  • Puti - pangkalahatang kautusan, direktiba o impormasyon.
  • Sitwasyon – dito makikita ang panimula o layunin ng memo.
  • ayon kay sudprasert (2014) ang adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong. Nakasaad din dito ang mga aksiyon o rekomendasyong inaasahang pag-usapan sa pulong.
  • Ang katitikan ng pulong ay opisyal na tala ng isang pulong. Ito ang dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon sa isang pulong.
  • ayon kay Bargo ( 2014) dapat tandaan ng sinumang kumukuha ng katitikan ng pulong na hindi nya trabahong ipaliwanag ang mga napag usapan sa pulong sa halip ay itala at iulat lamang ito.
  • Ulat ng Katitikan - Sa ganitong uri ng katitikan , ang lahat ng detalyeng napag – usapan sa pulong ay nakatalo.
    Salaysay ng Katitikan
    Isinasalaysay lamang ang mahahalagang detalye ng pulong.

    Resolusyon ng katitikan
    Nakasaad lamang sa katitikan na ito ang lahat ng isyung napagkasunduan ng samahan.
  • Pink o rosas – ginagamit naman para sa request o order na nanggagaling sa purchasing department.
  • Dilaw o luntian – para sa mga memo na nanggagaling sa marketing at accounting department.
  • Problema – nakasaad ang suliraning dapat pagtuonan ng pansin .
  • Solusyon – nagsasaad ng inaasahang dapat gawin ang kinauukulan.
  • Paggalang o Pasasalamat - wakasan ang memo sa pamamagitan ng pagsasalamat