Pananagutan/tungkulin ng mamamili(ap)

Cards (36)

  • Ano ang tawag sa mga katangian ng matalinong mamimili?
    MAPANURI, MAY ALTERNATIBO O PAMALIT, HINDI NAGPAPADAYA, MAKATWIRAN, SUMUSUNOD SA BUDGET, HINDI NAGPAPADALA SA ANUNSIYO, at HINDI NAGPAPANIC-BUYING.
  • Ano ang layunin ng pagiging mapanuri ng mamimili?
    Sinusuri ang produktong bibilhin, sangkap, presyo, timbang, pagkakagawa, at inihahambing ang mga produkto sa isa't isa.
  • Ano ang dapat gawin kung hindi sapat ang pera para sa isang produkto?
    Marunong humanap ng pamalit o panghalili na makatutugon sa pangangailangan ng produktong dating binibili.
  • Bakit mahalaga ang pagiging alerto at mapagmasid ng mamimili?
    Upang maiwasan ang mga maling gawain lalo na sa pagsusukli at paggamit ng timbangan.
  • Ano ang ibig sabihin ng makatwiran sa konteksto ng pamimili?
    Inuuna ang mga bagay na mahalaga kumpara sa mga luho lamang at isinasaisip ang pangangailangan at kasiyahan sa pagbili.
  • Paano nakakatulong ang pagsunod sa budget sa pamimili?
    Tinitimbang ang mga bagay-bagay ayon sa badyet upang matiyak na magiging sapat ang salapi sa mga pangangailangan.
  • Ano ang epekto ng mga anunsiyo sa mga matalinong mamimili?
    Ang pag-endorso ng produkto ng mga artista ay hindi nakapagpapabago sa pagkonsumo ng isang matalinong konsyumer; ang kalidad ng produkto ang tinitingnan.
  • Ano ang dapat gawin ng mamimili sa panahon ng artipisyal na kakulangan ng produkto?
    Hindi ikinababahala ang pagpapanic-buying dahil alam niyang ito ay magpapalala ng sitwasyon.
  • Ano ang mga ahensya na nagpoprotekta sa mga mamimili?
    1. Bureau of Food and Drugs (BFAD)
    2. City/Provincial/Municipal Treasurer
    3. Department of Trade and Industry (DTI)
    4. Energy Regulatory Commission (ERC)
    5. Environmental Management Bureau (DENR-EMB)
    6. Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB)
    7. Philippine Overseas Employment Administration (POEA)
    8. Professional Regulatory Commission (PRC)
  • Ano ang tungkulin ng Bureau of Food and Drugs (BFAD)?
    Hinggil sa hinaluan/pinagbabawal/maling etiketa ng gamot, pagkain, pabango at make-up.
  • Ano ang layunin ng City/Provincial/Municipal Treasurer?
    Hinggil sa timbang at sukat, madayang timbangan at mapanlinlang na pagsukat.
  • Ano ang responsibilidad ng Department of Trade and Industry (DTI)?
    Hinggil sa paglabag sa batas ng kalakalan at industriya, kabilang ang maling etiketa ng mga produkto at madaya at mapanlinlang na gawain ng mga mangangalakal.
  • Ano ang layunin ng Energy Regulatory Commission (ERC)?

    Reklamo laban sa pagbebenta ng di wastong sukat o timbang ng mga gasolinahan at mangangalakal ng "liquefied Petroleum Gas o LPG".
  • Ano ang responsibilidad ng Environmental Management Bureau (DENR-EMB)?
    Namamahala sa pangangalaga sa kapaligiran, tulad ng polusyon.
  • Ano ang layunin ng Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB)?
    Nangangalaga sa mga bumibili ng bahay at lupa pati na rin ang mga subdibisyon.
  • Ano ang responsibilidad ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA)?
    Reklamo laban sa illegal recruitment activities.
  • Ano ang layunin ng Professional Regulatory Commission (PRC)?
    Hinggil sa mga hindi matapat na pagsasagawa ng propesyon, kabilang ang mga accountant, doctor, engineer, atbp.
  • Ano ang limang pananagutan/tungkulin ng mga mamimili?
    1. MAPANURING KAMALAYAN
    2. PAGKILOS
    3. PAGMAMALASAKIT NA PANLIPUNAN
    4. KAMALAYAN SA KAPALIGIRAN
    5. PAGKAKAISA
  • Ano ang ibig sabihin ng mapanuring kamalayan ng mamimili?
    Maging listo at mausisa tungkol sa gamit, halaga, at kalidad ng mga paninda at paglilingkod na ginagamit.
  • Ano ang kahalagahan ng pagkilos ng mamimili?
    Maipahayag ang sarili at kumilos upang makatiyak sa makatarungang pakikitungo.
  • Ano ang layunin ng pagmamalasakit na panlipunan ng mamimili?
    Alamin ang epekto ng pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo sa ibang mamamayan.
  • Ano ang kahalagahan ng kamalayan sa kapaligiran ng mamimili?

    Mabatid ang kahihinatnan sa kapaligiran bunga ng hindi wastong pagkonsumo at pangalagaan ang likas na kayamanan para sa kinabukasan.
  • Ano ang layunin ng pagkakaisa ng mga mamimili?
    Magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon ng lakas at kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan ang kanilang kapakanan.
  • Ano ang walong karapatan ng mamimili?
    1. KARAPATAN SA MGA PANGUNAHING PANGANGAILANGAN
    2. KARAPATAN SA KALIGTASAN
    3. KARAPATAN SA PATALASTASAN
    4. KARAPATANG PUMILI
    5. KARAPATANG DINGGIN
    6. KARAPATANG BAYARAN AT TUMBASAN SA ANO MANG KAPINSALAAN
    7. KARAPATAN SA PAGTUTURO TUNGKOL SA PAGIGING MATALINONG MAMIMILI
    8. KARAPATAN SA ISANG MALINIS NA KAPALIGIRAN
  • Ano ang karapatan ng mamimili sa mga pangunahing pangangailangan?

    Tungkulin ng pamahalaan na tiyaking may sapat na pagkain, pananamit, masisilungan, pangangailangang pangkalusugan, edukasyon at kalinisan upang mabuhay.
  • Ano ang karapatan ng mamimili sa kaligtasan?
    May karapatang bigyan ng katiyakang ligtas at mapapangalagaan laban sa pangangalakal ng mga panindang makasasama o mapanganib sa kalusugan.
  • Ano ang karapatan ng mamimili sa patalastas?
    May karapatang mapangalagaan laban sa mapanlinlang, madaya at mapanligaw na patalastas, mga etiketa at iba pang hindi wasto at hindi matapat na gawain.
  • Ano ang karapatan ng mamimili na pumili?
    May karapatang pumili ng iba't-ibang produkto at paglilingkod sa halagang kaya mo.
  • Ano ang karapatan ng mamimili na dinggin?
    May karapatang makatiyak na ang kapakanan ng mamimili ay lubusang isasaalang-alang sa paggawa at pagpapatupad ng mga patakaran.
  • Ano ang karapatan ng mamimili sa bayaran at tumbasan sa ano mang kapinsalaan?
    Karapatan ng isang mamimili na bayaran sa ano mang kasinungalingan o mababang uri ng paninda o paglilingkod na ibinibigay kahit na ito ay sa pagkakamali, kapabayaan o masamang hangarin.
  • Ano ang karapatan ng mamimili sa pagtuturo tungkol sa pagiging matalinong mamimili?
    May karapatan sa consumer education, nagtatanong at nagtatanggol sa iyong karapatan.
  • Ano ang karapatan ng mamimili sa isang malinis na kapaligiran?
    May karapatan sa kalayaan, pagkakapantay-pantay at sapat na mga kalagayan sa buhay na nagbibigay pahintulot sa isang marangal at maayos na pagkatao.
  • Ano ang mga pangunahing layunin ng Batas Republika Blg. 7394 (Consumer Act of the Philippines)?
    • Kaligtasan at proteksiyon ng mga mamimili laban sa panganib sa kalusugan at kaligtasan.
    • Proteksiyon laban sa mapanlinlang at hindi makatarungang gawaing may kaugnayan sa operasyon ng mga negosyo at industriya.
    • Pagkakataong madinig ang reklamo at hinaing ng mga mamimili.
    • Representasyon ng kinatawan ng mga samahan ng mamimili sa pagbalangkas at pagbuo ng mga patakarang pangkabuhayan at panlipunan.
  • Ano ang mga batas na nagpoprotekta sa mga mamimili?
    1. Batas Republika Blg. 7581 (Price Act)
    2. Batas Republika Blg. 71 (Batas sa Price Tag)
    3. Batas Republika Blg. 3740 (Batas sa Pag-aanunsiyo)
    4. Batas Republika Blg. 6675 (Generics Act of 1988)
  • Ano ang layunin ng Batas Republika Blg. 7581 (Price Act)?

    Tiyakin na ang presyo ng mga pangunahing bilihin ay naaayon sa presyong itinakda ng pamahalaan lalo na sa panahon ng kalamidad.
  • Ano ang layunin ng Batas Republika Blg. 71 (Batas sa Price Tag)?
    Inaasahan na ang mga retailers o nagtitinda ay maglagay ng price tag sa bawat bilihin upang mapadali ang pag-monitor ng presyo.