Sanaysay at talumpati

Cards (36)

  • Ano ang kahulugan ng sanaysay ayon kay Rubin et al. (1989:91)?

    Ang sanaysay ay isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na ipinahahayag ang sariling kaisipan, kuro-kuro, saloobin at damdamin nakapupulutan ng aral at aliw ng mambabasa.
  • Ano ang sinasabi ni Alejandro Abadilla tungkol sa sanaysay?

    Ang sanaysay ay nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay na naglalahad ng kuru-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksyon at iba pa ng manunulat hinggil sa isang makabuluhan, mahalaga at napapanahong paksa o isyu.
  • Ano ang mga bahagi ng sanaysay?
    • Panimula
    • Katawan
    • Wakas
  • Bakit mahalaga ang panimula sa sanaysay?
    Ang panimula ay pinakamahalaga dahil dito ang inaasahan kung ipagpatuloy ng mambabasa ang kanyang binabasang sulatin.
  • Ano ang nilalaman ng katawan ng sanaysay?
    Sa katawan ng sanaysay, matatagpuan ang wastong paglalahad ng mga detalye at kaisipang nais ipahayag sa akda.
  • Ano ang layunin ng wakas sa sanaysay?
    Dapat isaalang-alang ng manunulat ang pagsulat ng wakas upang makapag-iwan ng isang kakintalan sa isip ng mambabasa na maaaring magbigay buod sa paksang tinalakay o mag-iiwan ng isang makabuluhang pag-iisip at repleksyon.
  • Ano ang mga gabay sa mahusay na panimula?
    • Gumamit ng mga pangungusap na nakatatawag-pansin
    • Gumamit ng katanungan o retorikal na tanong
    • Gumamit ng pambungad na salaysay
    • Gumamit ng siniping pahayag
    • Gumamit ng mga salitaan o diyalogo
    • Gumamit ng paglalarawan
    • Gumamit ng resulta ng sarbey
    • Gumamit ng nakakagulat na pahayag
  • Ano ang mga gabay sa mahusay na katawan ng sanaysay?
    • Simulan sa mga bagay na alam na patungo sa mga hindi pa nalalaman.
    • Simulan sa payak patungo sa mas masalimuot.
    • Simulan sa tiyak patungo sa masaklaw.
    • Simulan sa masaklaw patungo sa tiyak.
    • Simulan sa dimasyadong mahalaga patungo sa higit na mahalaga.
  • Ano ang mga gabay sa mahusay na wakas ng sanaysay?
    • Ang mga pangunahing kaisipan ay inuulit upang mabuod ang buong nilalaman.
    • Paggamit ng tamang kopya sa isang teksto na matatagpuan sa itaas o tuluyan.
    • Pagpaparamdam ng mga ideyang lubos na hinihingi ng sinundang paglalahad at pangangatwiran.
    • Pag-iwan sa isang palaisipan upang patuloy na limiin ng mambabasa ang nilalaman ng sanaysay.
    • Paglikha ng isang pangitain sa maaaring maganap.
    • Pasasabi ng pinakamensahe ng akda.
    • Pagbabalik tanaw sa mga suliranin na inilahad sa umpisa.
  • Ano ang mga katangian na dapat taglayin ng isang manunulat ng sanaysay?
    1. Mabilis mag-isip
    2. Sensitibo sa kapaligiran
    3. May laging tugon at hinuha sa interes ng buhay, ng tao, at mga bagay-bagay
    4. May kakayahang manuklas ng mga bagay-bagay na hindi nakikita ang panlabas lamang
    5. Malikhain at orihinal sa isip at damdamin
    6. May mapiling panlasa
    7. May kalugurang mapagkakatiwalaan
    8. May kabatiran sa mga kaalamang makabago hinggil sa makataong kapakanan
    9. Pamilyar sa mga mabubuting panitikan at iba pang sining
  • Ano ang mga elemento ng sanaysay?
    1. Tema at Nilalaman
    2. Anyo at Istruktura
    3. Kaisipan
    4. Wika at Estilo
    5. Larawan ng Buhay
    6. Damdamin
    7. Himig
  • Ano ang mga katangian ng mahusay na pagtalakay sa paksa ng isang sanaysay?
    1. Kaisahan
    2. Kaganapan
    3. Kalinawan
    4. Kaayusan
    5. Pagkakaugnay-ugnay
  • Ano ang pormal na sanaysay?
    Ang pormal na sanaysay ay tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masusing pag-aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa.
  • Ano ang mga katangian ng isang pormal na sanaysay?
    1. Ang mga pormal na sanaysay at komposiyong sa Filipino ay nagtataglay ng pananaliksik at pinag-aralang mabuti ng sumulat.
    2. Seryoso ang pormal na sanaysay.
    3. Ang mga salita ay umaakma sa piniling isyu at kadalasang may mga terminong ginagamit na kaugnay ng tungkol sa asignatura o paksang ginawan ng pananaliksik.
    4. Maingat na inilahad at ipinapaliwanag ng awtor ang kanyang tinatalakay na bagay o isyu nang hindi lamang nababatay sa sarili niyang karanasan at naglalaman ito ng may batayan.
  • Ano ang mga halimbawa ng pormal na sanaysay?
    1. Editoryal
    2. Testimonyal
    3. Investigative/Teknikal na ulat
    4. Rebyu
    5. Pananaliksik
    6. Panunuring Pampanitikan
    7. Political Manifesto
  • Kailan nagsimula ang pagsulat ng sanaysay at sino ang nagpasimuno nito?
    Nagsimula ang pagsulat ng sanaysay noong 1571 at ang nagpasimuno nito ay si Michael de Montaigne.
  • Ano ang kahulugan ng "Essais" na isinulat ni Michael de Montaigne?
    Ang "Essais" ay isang pagtatangka, mga pagsubok at mga pagsisikap ng may akda.
  • Sino ang tinaguriang "Ama ng Sanaysay na Nasusulat sa Ingles"?
    Si Francis Bacon ang tinaguriang "Ama ng Sanaysay na Nasusulat sa Ingles".
  • Ano ang mga naisulat ni Izaak Walton at Thomas Browne sa ika-17 dantaon?

    • Si Izaak Walton ay sumulat ng "The Compleat Angler" (1653) na tungkol sa pamimingwit at pakikipagkaibigan.
    • Si Thomas Browne ay may paksang katutubong kaugalian na inilarawan sa mga akdang "Religio Medici" at "Urn Burial".
  • Ano ang mga opinyon ni John Dryden tungkol sa panitikan at sining?
    • Ang mga opinyon ni John Dryden ay kinalugdaang basahin ng mga nagpapahalaga sa panitikan at sining.
    • Ang "An Essay of Dramatic Poesy" ang itinuturing na pinakamahusay na sanaysay ni Dryden.
  • Sino-sino ang mga nakilala sa ika-18 dantaon sa larangan ng sanaysay?
    • Richard Steele
    • Joseph Addison
    • Samuel Johnson
    • Oliver Goldsmith
  • Ano ang nangyari sa ika-19 dantaon sa larangan ng sanaysay?
    • Patuloy ang paglaganap ng sanaysay sa mga paksang panlipunan at panrelihiyon.
    • Nakilala sina John Ruskin, Thomas Henry Huxley, Matthew Arnold atbp.
    • Sa Estados Unidos, ang mga naisulat na sanaysay ni Washington Irving sa "Sketch Book" noong 1819 ay katulad ng mga naisulat ng mga mananaysay sa Ingles.
  • Ano ang mga naisulat ni Jose Rizal at Marcelo H. Del Pilar sa larangan ng sanaysay?

    • Nagsimula ito sa mga isinulat nina Jose Rizal sa kanyang "The Indolence of the Filipino People" at "The Philippines: A Century Hence" ni Marcelo H. Del Pilar.
    • Si Marcelo H. Del Pilar ay patnugot at tagapaglathala ng "La Solidaridad".
  • Ano ang di pormal na sanaysay?
    • Ang di pormal na sanaysay ay tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pang-araw-araw at personal na binibigyang diin ng manunulat ang mga bagay-bagay, mga karanasan o isyung maaaring magpakilala ng personalidad ng manunulat o pakikisangkot niya sa mga mambabasa.
  • Ano ang mga uri ng sanaysay?
    • Pormal
    • Di Pormal
  • Ano ang mga layunin ng pormal na sanaysay?
    • Magpaliwanag
    • Manghikayat
    • Magturo
  • Ano ang mga layunin ng di pormal na sanaysay?
    • Mang-aliw
    • Mapagbiro
    • Manudyo
  • Ano ang talambuhay?

    • Isang akdang naglalahad ng kasaysayan o mahalagang tala sa buhay ng isang tao.
  • Ano ang mga bahagi ng liham?
    1. Pamuhatan
    2. Bating Panimula
    3. Katawan ng Liham
    4. Batang Pangwakas
    5. Lagda
  • Ano ang mga uri ng liham?
    1. Liham Pangkaibigan
    2. Liham Pangangalakal
    3. Liham Paanyaya
    4. Liham panghingi ng paumanhin
    5. Liham Pagtanggi
    6. Liham ng Pagmamahal
    7. Liham Pamamaalam
  • Ano ang lakbay sanaysay?
    • Isang di pormal na sanaysay na tumatalakay sa karanasan ng manunulat sa kaniyang paglalakbay.
  • Ano ang mga hakbang sa epektibong pagsusulat habang naglalakbay ayon kay Dinty Moore (2003)?

    1. Magsaliksik
    2. Mag-isip ng labas sa ordinary
    3. Maging isang manunulat
  • Ano ang sanaysay ng larawan?
    • Isa itong kamangha-manghang anyo ng sining na nagpapahayag ng kahulugan sa pamamagitan ng paghahanay ng mga larawang sinusundan ng maiikling deskripsyon o kapsyon kada larawan.
  • Ano ang mga katangian ng isang mahusay na pictorial essay?
    1. Malinaw na Paksa
    2. Pokus
    3. Orihinalidad
    4. Lohikal na Istruktura
    5. Kawilihan
    6. Komposisyon
    7. Mahusay na Paggamit ng Wika
  • Ano ang artikulong peryodiko?

    • Ang pahayagan, diyaryo, o peryodiko ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng balita, impormasyon at patalastas, kadalasang na imprenta sa mababang halaga.
  • Ano ang mga uri ng pahayagan?
    • Broadsheet
    • Tabloid