Tumutukoy rin ito sa distribusyon ng produkto at serbisyo upang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng mga mamamayan sa kabila ng kakapusan.
Tumutukoy sa sistemang pang-kaayusan na may kaugnay sa alokasyon ng pinagkukunan-yaman.
Uri ng Sistemang Pang-ekonomiya
traditional economy
market economy
command economy
mixed economy.
Tradisyunal (Traditional Economy)
nakabatay sa mga paniniwala, tradisyon, at kultura ng mga tao sa lipunan.
ang mga produktong nililikha sa lipunang ito ay batay lamang sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao tulad ng pagkain, damit, at tirahan.
Hindi tulad ng ibang mga sistema ng ekonomiya, ang mga pamantayan sa ekonomiyang ito ay nakapaloob sa kultura ng lugar
Pampamilihan (Market Economy)
isang uri ng sistemang pang-ekonomiya kung saan ang pagamit ng pinagkukunan-yaman, produksyon, at distribusyon ng mga produkto at serbisyo ay ipinapasakamay sa malayang pamilihan.
binibigyang-diin ng pamilya ang efficiency at kalayaan sa pagpapalitan ng produkto at serbisyo.
Papel ng Mamimili sa Pampamilihan (Market Economy)
Naitatakda ang presyo o halaga ng mga bilihin sa pamamagitan ng malayang pamilihan (free market).
Ang mga pribadong sektor ay malayang pinamamahalaan ang pagamit ng mga pinagkukunan-yaman
Sa pamamagitan ng mga transaksyon sa pagitan ng prodyuser at mamimili, o kilala rin sa tawag na demand at suplay ay naitakda ang presyo ng produkto
Suplay at Demand sa Pampamilihan (Market Economy)
Sa ganitong sistema, ginagamit ang presyo bilang mekanismo ng alokasyon.
Kung sino ang nais at may kakayahang bumili ng produkto, siya ang may access sa produkto
Batay rin sa presyo ang dami ng produktong ang gagawin. Sa paggawa ng mga produkto ay tinatapatan ng mga prodyuser ang bilang na nais bilhin ng konsumer.
Presyo sa Pampamilihan (Market Economy)
Ang halaga ng produkto ay matutukoy kung saan matatanggap ang bilang ng nagawang produkto at kung ilan ang nais bilhin ng mamimili.
Ang isang problema ng ekonomiyang nakabatay sa pamilya ay ang artipisyal na pagtaas ng presyo ng bilihin dahil sa sinasadyang pagpapababa ng suplay.
Kontrolado (Command Economy)
ang ekonomiya ay nasa ilalim ng isang sentralisadong pamahalaan. Ang ideya sa likod nito ay efficiency at pagkakapantay-pantay.
sa sistemang ito, ang pamahalaan ang pangunahing humahawak at may kontrol sa ekonomiya. Ito ang dahilan kung bakit kilala rin ang command economy sa tawag na planned economy.
Papel ng Pamahalaan sa Command Economy
Ang pamahalaan ang karaniwang may-ari ng mga pinagkukunan-yaman at nangangalaga kung paano ito gagamitin, ayon sa kanyang sentralisadong planong ekonomiko.
Ang pamahalaan din ang karaniwang may hawak sa pagpapasya sa paggamit ng salik ng produksiyon upang maisakatuparan ang kanyang plano. Gumagamit ang pamahalaan ng batas bilang mekanismo sa pamamahala ng ekonomiya ng bansa.
Pinaghalo (Mixed Economy)
ang sistemang pang-ekonomiya kung saan ang pagdedesisyon kung paano ito gagamitin ang mga pinagkukunan-yaman ay nasa pareho kaming ng pamahalaan at ng pribadong sektor.
mayroon kalayaan ang mga tao na pagdesisyunan kung paano nila gagamitin ang kanilang salapi, anong trabaho ang nais nilang pasukan, at anong klaseng pamumuhay ang nais nilang sundin.
Alokasyon
ang paglalaan ng pinagkukunan-yaman upang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Mekanismong ginagamit upang ipamahagi ang mga pinagkukunan-yaman, mga produkto, at mga serbisyo.