Ang Pagkonsumo at mga Salik sa Pagkonsumo

Cards (29)

  • Pagkonsumo
    • Sa kasalukuyan, ang opisyal na depinisyon ng pagkonsumo ay ang paggamit ng produkto at serbisyo ng mga sambahayan upang tugunan ang kanilang mga pangangailangan at kagustuhan.
  • Pagkonsumo para sa mga modernong ekonomista (mga neoclassicist), 

    ang pagkonsumo ang dahilan ng lahat ng gawain pang-ekonomiya. Nagbabago ang produksiyon ng isang bansa kapag nagbago ang pagkonsumo nito. Nagbabago rin ang lebel ng pagkonsumo kung may nagbago rin sa mga salik ng produksiyon nito.
  • Pagkonsumo ayon sa Klasikal na Ekonomista
    • ang pagkonsumo ang pangunahing dahilan ng produksiyon.
  • Salik ng Pagkonsumo
    • kita
    • presyo ng bilihin
    • panahon
    • okasyon
    • pag-aanunsiyo,
    • ang pagpapahalaga ng tao
  • Kita
    • tumutukoy sa salaping nakuha mula sa pagbibigay-serbisyo, paggawa ng produkto, o pamumuhunan
    • Ayon kay Maynard Keynes, ang pagbabago ng kita ng isang tao ay ang pagbabago rin ng kaniyang pagkonsumo kasama na ang pagbabago ng kaniyang ipon.
  • Presyo
    • halaga na katumbas ng isang produkto o serbisyo
  • Pangangailangan
    • Ang pagbabago sa presyo ng mga produktong maituturing na pangangailangan ay hindi gaanong nakaaapekto sa dami ng mamimili nito.
  • Kagustuhan
    • Subalit, para sa mga produktong maituturing na kagustuhan, ang maliit na pagbabago sa presyo ay maaaring magresulta sa malaking pagbabago sa bilang ng mamimili nito.
  • Inaasahan
    • inaasahang mangyari sa hinaharap
  • Pagkakautang
    • isang pananagutan na hinihingan ng isang partido, ang nangungutang, na magbayad ng salapi o iba pang napagkasunduang halaga sa isa pang partido
  • Panahon
    • Nakadepende rito ang mga patok na produktong akma sa kasalukuyang karanasan ng mga konsyumer.
    • Halimbawa, maaaring tumaas ang pagkonsumo ng mga produkto at serbisyong pumipigil sa init (halimbawa, electric fan o aircon) tuwing panahon ng tag-init
  • Okasyon
    • Tuwing may okasyon, lumalaki ang pagkonsumo ng tao at natutukoy nila ang nais tangkilikin produkto.
    • Halimbawa na lamang, kapag pasko ay karaniwang mga handang pamasko o regalo ang tinatangkilik na produkto ng mga mamimili. Kapag naman araw ng mga puso ay mga bulaklak at tsokolate ang patok sa mga konsyumer.
  • Pag-aanunsiyo
    Ang pag-aanunsiyo o advertisement ay ang pagpapakilala sa tao ng iba’t ibang produkto, maging ang mga gamit nito
  • Uri ng Pag-aanunsiyo
    • asosasyon
    • bandwagon effect
    • demonstration effect
  • Asosasyon
    tumutukoy sa paraan ng pag-aanunsiyo na gumagamit ng mga sikat sa personalidad upang tangkilikin ang produkto.
  • bandwagon effect
     tumutukoy sa paraan ng pag-aanunsiyo na hinihikayat ang mamimili na tumulad sa maraming gumagamit ng produkto.
  • demonstration effect
    kadalasang nakikita sa palengke, mga mall, o iba pang matataong lugar kung saan ipinapakita kung paano ginagamit ang produkto. Isang halimbawa nito ay sa home shopping channel sa telebisyon.
  • Pagpapahalaga ng Tao
    • ang isa sa mga pinakamahalagang salik sa pagkonsumo ng tao.
    • matutukoy kung ano ang mga nais gamiting produkto ng konsyumer.
    • Ito ay epekto ng kaniyang pag-uugali, personalidad, paraan ng pag-iisip, paniniwala, prinsipyo, at prayoridad.
  • Ang mga salik ng pagkonsumo ay hindi nadidikta sa kung ano ang dapat na tangkilikin produkto ng tao. Bagkus, ito ay ginagamit bilang indikasyon sa pattern ng pagkonsumo ng tao. Sa huli, ang mga konsyumer pa rin ang nagdedesisyon kung ano produkto o serbisyo ang kanilang tatangkilik, at sila rin ang nagtatala ng mga dahilan sa pagkonsumo.
  •  Rational Optimization Framework
    • ang mga mamimili ay mapanuri sa mga produkto na kanilang tatangkilik.
    • Pinag-aaralan nilang mabuti ang kanilang kasalukuyan at hinaharap na pang-ekonomiyang kalagayan gamit ang mga salik ng pagkonsumo bilang indikasyon.
  • May tatlong assumption ang rational optimization framework:
    (1) habang lumalaki ang pagkonsumo sa isang produkto o serbisyo, bumababa ang naidaragdag na utility nito sa konsyumer
    (2) ang mga tao ay umiwas na makipagsapalaran sa kaniyang pagkonsumo
    (3) kapag mayroon pag-aalinlangan sa estado ng ekonomiya ay hinaharap, mas pinipili ng mga tao ang mag-ipon kaysa sa pagkonsumo.
  • Batay sa rational optimization framework, may dalawang paraan upang intindihin kung paano nagdedesisyon ang mga tao sa pagkonsumo.
    1. Life Cycle Hypothesis
    2. Peramanent Income Hypothesis
  • Life Cycle Hypothesis (LCH)
    • binuo ni Franco Modigliani at Robert Brumberg
    • sinisigurado ng mga tao na mapanatili nilang ang parehong lebel ng pagkonsumo anuman ang kanilang edad
    • kapag kinakailangan pa na silang kita ay itinatabi upang mayroon na mapag-ipunan lang pag-asawa
  • Permanent Income Hypothesis
    • ipinakilala ni Milton Friedman noong 1957
    • ginagamit lamang ng mga konsyumer ang iba’t ibang salik ng pagkonsumo upang tingnan ang kakayahan nilang bumili ng produkto o serbisyo
    • Ayon kay Friedman, mayroon ding predictable na epekto sa pagkonsumo ang pagbabago ng mga salik nito
    • Halimbawa, kapag tumaas ang sahod ng isang tao dahil sa pagtaas ng posisyon nito sa trabaho.
  • Ang pagbabago sa pagkonsumo ay naipapakita sa pamamagitan ng consumption function, isang biswal na representasyon ng epekto ng pagbabago sa mga salik sa pagkonsumo. Isang mahalagang aspeto ng consumption function ay ang marginal propensity to consume (MPC) kung saan ang pagbabago sa pagkonsumo ay inuugnay sa pagbabago sa kita ng tao
  • Marginal Propensity to Consume(MPC)
    ay makukuha sa pamamagitan ng sumusunod na formula:MPC=MPC =pagbabago sa halaga ng konsumopagbabago sa halagang maaaring gastahin \frac{pagbabago \ sa \ halaga \ ng \ konsumo}{pagbabago \ sa \ halagang \ maaaring \ gastahin}
  • MPC
    MPC=MPC =CCYY \frac{C - C}{Y - Y}
  • Mga Pamantayang Ginagamit ng mga Pilipino sa Pagkonsumo
    • Kaisipang Kolonyal
    • Pagtanaw na Utang na Loob
    • Pakikisama
    • Pagpapahalaga sa Edukasyon
    • Kalinisan ng Katawan
    • Hospitalidad
  • Mga Salik sa Pagkonsumo
    • Panahon
    • Okasyon
    • Kultura
    • Edad
    • Kasarian
    • Pinanggalingan
    • Inaasahan
    • Pagkakautang
    • Pag-aanunsiyo
    • Kita
    • Presyo