Ang heograpiya o geography ay hango sa salitang Greek na “geographia”
geo – “lupa o mundo”
graphein / graphia – “sumulat”
Samakatuwid, ang heograpiya o geography ay nangangahulugang sumulatukolsalupa o paglalarawansamundo.
Ang Greek na si Eratosthenes ang kinikilalang “AmangHeograpiya.”
Sangay ng Heograpiya: HeograpiyangPisikal at Heograpiyang Pantao
Ang heograpiyang pisikal ay naglalarawan at nagpapaliwanag ng distribusyon ng mga anyong lupa at anyong tubig sa buong daigdig.
Pinag-aaralan ng heograpiyangpantao ang paraan ng interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran,
lokasyon - Tumutukoy sa eksaktong kinalalagyan ng isang lugar sa mundo. Maaaring ito ay absolute o relative (lokasyon na inilarawan batay sa kalapit na lugar o heograpikal na tampok).
AbsoluteLocation • Tumpak na posisyon sa pamamagitan ng koordinato tulad ng latitud at longhitud.
RelativeLocation • Lokasyon na inilarawan batay sa kalapit na lugar o heograpikal na tampok.
Lugar - Tumutukoy sa mga pisikal at kultural na katangian ng isang lokasyon na nagbibigay ng partikular na pagkakakilanlan dito.
InteraksiyonngTao - Kalikasan Tumutukoy sa kung paano nakikisalamuha at umaangkop ang mga tao sa kanilang kapaligiran, pati na rin kung paano nila binabago ito.
Paggalaw - Tumutukoy sa paggalaw ng mga tao, kalakal, ideya, at iba pang elemento mula sa isang lugar patungo sa iba. Saklaw nito ang migrasyon, kalakalan, at pagpapalitan ng kultura at impormasyon.
Rehiyon - Tumutukoy sa mga lugar na may magkakatulad na katangian, maaaring pisikal, kultural, o ekonomiko.
Bahagi ng Mapa - Pamagat o Titulo ng Mapa, Legend/Keys o mga simbolo sa mapa, Eskala o scale, Direksiyon
Brunei - Land of Unexpected Treasures - Bandar Seri Begawan
Cambodia - Kingdom of Wonder - Phom Penh
Indonesia - Emerald of the Equator - Jakarta
Laos - Land of Million Elephants - Vientiane
Malaysia - LandofIndigenousMalay - Kuala Lumpur
Myanmar - Golden Land - Naypyidaw
Philippines - Pearl of the Orient Seas - Manila
Thailand - Land of Smiles - Bangkok
Singapore - Lion City - Singapore
Vietnam - Land of the Blue Dragon - Hanoi
Mainland - Myanmar, Thailand, Laos, Vietnam, Cambodia, Malaysia
Insular - Indonesia, Singapore, Brunei, Timor Leste, Philippines, Malaysia
Ang klima ay tumutukoy sa pangmatagalang pattern ng panahon sa isang partikular na lugar sa loob ng mahabang panahon, karaniwan ay sa loob ng mga dekada hanggang sa siglo.
ang panahon naman ay tumutukoy sa mga kondisyon ng atmospera sa maikling panahon, gaya ng mga araw o linggo.
Ang TSA ay nakapaloob sa sona ng klimangtropikal maliban sa pinakahilagang bahagi ng Myanmar.
Ang kabuuang rehiyon ay nakararanas ng tag-init (dry season) at tag-ulan (wet season).
Ang TSA rin ay nakararanas ng klimang monsoon, kung saan ang hangin ay nagiiba-iba ang direksiyon na nagiging dahilan ng matinding pag-ulan o matinding init ng panahon.
Ang salitang "monsoon" ay nagmula sa Arabic na "mausim," na nangangahulugang "season,
Nang dahil sa klimang tropikal ng TSA, nagresulta ito sa maraming kakaibang uri ng vegetation cover na napangingibabawan ng mga punong lumilikha ng mahahalagang kagubatan.
Ang vegetation cover ay tumutukoy sa kalagayan at uri ng mga halaman na tumutubo sa isang partikular na lugar.
Ang mga kagubatang ito ay kilala sa kanilang malalagong mga puno na nananatiling luntian o berde sa buong taon, kaya't tinatawag silang "evergreen."
TropicalDeciduous - Isang uri ng kagubatan kung saan ang mga puno at halaman ay naglalagas ng kanilang mga dahon sa isang partikular na panahon ng taon, karaniwang tuwing taglagas o dry season.
MangroveBelt - Ang kagubatang mangrove o mangrove belt ay isang uri ng kagubatan na matatagpuan sa mga baybayin, estuaryo, at mababaw na tubigtabang o alat.
Upland - Ang upland na kagubatan ay tumutukoy sa mga kagubatan na matatagpuan sa mga mataas na lugar, tulad ng mga bundok, burol, at talampas.