Modyul 3:Mga Tungkulin at Responsibilidad ng Mananaliksik

Cards (13)

  • Ano ang mga katangian na dapat taglay ng isang mananaliksik ayon kay Bernales et. al (2003)?
    Masipag, Matiyaga, Maingat, Sistematiko, Kritikal
  • Bakit mahalaga ang pagiging masipag ng isang mananaliksik?
    Dahil kailangan niyang mangalap ng datos at magsiyasat sa lahat ng anggulo ng paksa ng pananaliksik
  • Ano ang ibig sabihin ng pagiging matiyaga para sa isang mananaliksik?
    Kailangan pagtiyagaan at maging pasensyoso ang isang mananaliksik
  • Ano ang kahalagahan ng pagiging maingat sa pagpili ng datos ng isang mananaliksik?
    Dahil kailangang maging maingat ang isang mananaliksik sa paghimay-himay ng mga makabuluhang datos
  • Ano ang dapat gawin ng isang mananaliksik upang maging sistematiko?
    Kailangan sumunod ng mananaliksik sa mga hakbangin sa pagbuo ng pananaliksik
  • Ano ang ibig sabihin ng pagiging kritikal ng isang mananaliksik?
    Ito ay isang iskolarling gawain na nangangailangan ng pagtitimbang at pagsusuri ng mga impormasyon
  • Ano ang mga karagdagang katangian na dapat taglay ng isang mananaliksik ayon kay Constantino at Zafira (2016)?

    Analitikal at Matapat
  • Ano ang kahulugan ng pagiging analitikal ng isang mananaliksik?
    Pagiging analitikal sa mga datos at interpretasyon ng iba ukol sa paksa at mga kaugnay na paksa
  • Bakit mahalaga ang pagiging matapat ng isang mananaliksik?
    Dahil kailangan niyang maging tapat sa mga datos na inilalagay kung saan tunay na hango
  • Ano ang mga etika at responsibilidad ng mananaliksik ayon kay Constantino at Zafra (2016)?

    • Kilalanin ang ginamit mong ideya
    • Huwag kumuha ng datos ng walang permiso
    • Iwasan ang paggawa ng mga personal na obserbasyon, lalo na kung negatibo
    • Huwag mag-shortcut
    • Mapanindigan ang lahat ng interpretasyon na kanyang nilahad sa pag-aaral
  • Ano ang plagyarismo ayon kay Atienza (sa Bernales, 2003)?
    Ang plagyarismo ay pangongopya ng datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng isang akda na hindi kinikilala ang pinagmulan
  • Paano itinuturing ang plagyarismo ayon kina Constantino at Zafra (2016)?
    Itinuturing itong isang teknikal na salita kaugnay sa pangongopya ng gawa ng iba na walang pagkilala
  • Ano ang mga halimbawa ng plagyarismo ayon kay Atienza (sa Bernales, 2003)?

    • Paggamit ng orihinal na termino na ‘di itinala ang pinagkuhaan
    • Paghiram ng ideya o mga pangungusap at binago ang pagpapahayag ngunit di kinikilala ang hanguan
    • Pagkuha mula sa iba’t ibang sanggunian at pinagtagpi-tagpi