Modyul 6: Pagsulat ng Bionote

Cards (10)

  • Ano ang bionote?
    Isang maikling paglalarawan ng manunulat gamit ang ikatlong panauhan.
  • Ano ang layunin ng isang bionote?
    Upang ipaalam ang karakter at kredibilidad ng manunulat sa larangan ng nabibilangan.
  • Ano ang mga nilalaman ng isang bionote?
    Personal na impormasyon, ambag sa larangang kinabibilangan, at kaligirang pang-edukasyon.
  • Ano ang mga katangian ng mahusay na bionote?
    • Maikli ang nilalaman
    • Gumagamit ng ikatlong panauhan
    • Kinikilala ang mambabasa
    • Gumamit ng baliktad na tatsulok
    • Nakatuon sa mga angkop na kasanayan o katangian
    • Binabanggit ang degree kung kinakailangan
    • Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon
  • Ano ang pagkakaiba ng micro-bionote, maikling bionote, at mahabang bionote?

    Ang micro-bionote ay maikli, ang maikling bionote ay may tatlo hanggang limang talata, at ang mahabang bionote ay ginagamit para sa natatanging panauhin.
  • Ano ang dapat isaalang-alang sa antas ng pormalidad ng sulatin?

    Mahalagang isaalang-alang ang pormalidad o impormalidad ng sulatin sapagkat nakakaapekto ito sa kalidad ng bionote.
  • Ano ang mga hakbang sa pagsusulat ng bionote ayon kay Brogan at Hummel?
    1. Tiyakin ang layunin
    2. Pagdesisyunan ang haba ng sulating bio-note
    3. Gamitin ang ikatlong panauhang perspektibo
    4. Simulan sa pangalan
    5. Ilahad ang propesyong kinabibilangan
    6. Isa-isahin ang mahahalagang tagumpay
    7. Idagdag ang di-inaasahang detalye
    8. Isama ang contact information
    9. Basahin at isulat muli ang bionote
  • Ano ang dapat laman ng isang bionote?
    Personal na impormasyon, ambag sa larangang kinabibilangan, at kaligirang pang-edukasyon.
  • Bakit mahalaga ang larawan sa bionote?
    Upang tiyakin na malinaw at propesyonal ang dating ng paksa ng bionote.
  • Paano nakasalalay ang kahusayan ng bionote sa komunikasyon ng manunulat?

    Ang kahusayan ng bionote ay nakasalalay sa pagsasalubong ng nais iparating ng sumulat at kung ano ang gusting malaman ng mambabasa.