Tumutukoy ito sa siyensya ng pag-aaral ng pisikal at kultural na katangian ng mundo.
Ano ang pinagmulan ng salitang Heograpiya?
Galing ito sa mga salitang-ugat na Geo (daigdig) at Graphia/Graphien (Paglalarawan).
Sino ang tinutukoy na Ama ng Heograpiya?
Si Eratosthenes.
Ano ang saklaw ng Heograpiyang Pisikal?
Ang pag-aaral ng mga likas na katangian ng daigdig, kabilang ang lokasyon, estruktura, at topograpiya.
Ano ang ibig sabihin ng topograpiya?
Ang katangiang pisikal ng daigdig.
Ano ang layunin ng Heograpiyang Pantao?
Tumutukoy ito sa pag-aaral sa interaksyonngtao sa kanyang pisikal na heograpiya.
Ano ang kahulugan ng kultura?
Tumutukoy ito sa uri ng pamumuhay ng isang pangkat ng tao.
Ano ang mga mahahalagang elemento ng kultura?
Ang karaniwang gawi, magkakatuladnaunawaan, at ang organisadong lipunan.
Ano ang Ethnocentrism?
Tumutukoy ito sa paghusga sa ibangkultura batay sa pagpapahalaga at pamantayan ng sariling kultura.
Ano ang limang tema ng Heograpiya?
Lokasyon
Lugar
Interaksyon ng Tao sa Kapaligiran
Galaw ng Tao, Ideya, Produkto, at Teknolohiya
Rehiyon
Ano ang ibig sabihin ng lokasyon sa Heograpiya?
Kung saan matatagpuan ang isang bagay o lugar sa daigdig.
Ano ang pagkakaiba ng absolut at relatibong lokasyon?
Ang absolut ay tiyak na lokasyon, habang ang relatibo ay nakabatay sa kapaligiran.
Ano ang tumutukoy sa pisikal at pantaong katangian ng lokasyon?
Ang lugar.
Ano ang epekto ng tao sa kanyang kapaligiran?
Ang epekto ng tao sa kanyang kapaligiran ay makikita sa mga gawain tulad ng pagsasaka at pagtatayo ng mga gusali.
Ano ang ibig sabihin ng galaw sa Heograpiya?
Tumutukoy ito sa paglipat ng tao, produkto, at ideya mula sa isang lugar patungo sa iba.
Ano ang ibig sabihin ng imigrasyon?
Permanenteng paglipat ng tao patungo sa isang lugar para manirahan.
Ano ang ibig sabihin ng emigrasyon?
Paglipat ng tao palabas sa kanyang paninirahan.
Ano ang rehiyon sa Heograpiya?
Isang sukat ng lupaing nagtataglay ng magkakatulad na katangian.
Paano maaaring itakda ang rehiyon?
Maaaring itakda sa pamamagitan ng katangiang pantao tulad ng relihiyon, wika, at paniniwala.
Ano ang pagkakaiba ng prehistoriko at historiko?
Prehistoriko: panahon bago natuklasan ang pagsusulat, walangnakasulat na impormasyon.
Historiko: yugto ng kasaysayan na nai-rekord, maynakasulat na impormasyon.
Ano ang Panahong Cenozoic?
Pinakabagong panahong heolohikal sa tatlongdibisyon ng kasaysayan ng buhay sa mundo.
Ano ang mga panahon sa Panahong Cenozoic?
Paleogene,Neogene, at Quaternary.
Ano ang Panahong Paleogene?
Tinatawag na “Age of Mammals” dahil sa ebolusyon at pagbabago ng species.
Ano ang klima sa Panahong Paleogene?
Karamihan ay mainit, tag-init at tag-ulan lang ang panahon.
Ano ang nangyari sa kontinente ng Pangaea sa Panahong Paleogene?
Naganap ang kabuuang detachment ng kontinente ng Pangaea.
Ano ang Panahong Neogene?
Nagsimula ang Ice Age at tinatawag na “Newborn”.
Ano ang Panahong Quaternary?
Kasama ang kasalukuyang panahon at kinilala bilang AgeofMan.
Paano naapektuhan ng tao ang kanyang kapaligiran sa Panahong Quaternary?
Nagsimulang maapektuhan ng tao ang kanyang kapaligiran habang ang ibang organismo ay naapektuhan ng kanilang kapaligiran.
Ano ang pagkakaiba ng Hominid at Hominin?
Ang Hominid ay ang pangkat na binubuo ng lahat ng moderno at extincto na greatapes, habang ang Hominin ay ang pangkat na binubuo ng modernongtao at lahat ng ating mga ninuno.
Sino si “Lucy” (Australopithecus afarensis)?
Isang hominid na naglalakad gamit ang dalawang paa at nadiskubre ni Donald Johanson noong November24, 1974 sa Hadar, Ethiopia.
Ano ang Laetolli Footprints?
Nadiskubre ito ni Mary Leakey noong 1978 sa Laetoli, Africa.
Ano ang mga katangian ng Homo Habilis?
Lumitaw ito sa Silangang Africa noong 2.5milyong taon nagdaan at kilala bilang ManofSkills.
Ano ang mga katangian ng Homo Erectus?
Natagpuan ito 1.6milyong taong nagdaan sa Silangang Africa at kinilala bilang Upright Man.
Ano ang mga kontribusyon ng Homo Erectus?
Nagsimulang naglinang ng teknolohiya at ang unang gumamit ng apoy.
Saan natagpuan ang unang labi ng Homo Erectus?
Sa India, China, at Europa.
Ano ang mga katangian ng Homo Sapiens Neanderthalensis?
Unang natuklasan sa NeanderValley,Germany at pinaniniwalaang nabuhay 100,000 -200,000 taon na ang lumipas.
Ano ang mga kakayahan ng Homo Sapiens Neanderthalensis?
May kakayahang makipag-komunikasyon gamit ang pailan-ilangsimbolo at magsalita ng may mataas na tono.
Ano ang mga gamit ng Homo Sapiens Neanderthalensis?
Gamit nila ang bato, buto ng hayop, at apoy, at nagsasagawa na din ng ritwal na panlibing.
Sino ang Homo Sapiens - Sapiens Cro Magnon?
Isang hominid na lumitaw 40,000 taon ang nakalipas at unang natuklasan sa bayan ng Les Eyzies-de-Tayac, France.
Ano ang mga katangian ng Homo Sapiens - Sapiens Cro Magnon?
Gumagawa sila ng mga armas na may espisipikong gamit lamang para sa isang partikular na bagay at nagpaplano muna bago mangaso.