Mga Elemento Ng Kultura

Cards (11)

  • materyal na kultura
    ito ang mga gusali, likhang sining, kagamitan, at iba pang bagay na nakikita at nahahawakan at gawa o nilikha ng tao
  • hindi materyal na kultura
    kabilang dito ang batas, gawi, ideya, paniniwala, at norms ng isang grupo ng tao. hindi ito nahahawakan subalit ito ay maaaring makita o maobserbahan
  • Paniniwala (beliefs)

    kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo
  • pagpapahalaga (values)

    batayan ng isang grupo o ng lipunan sa ano ang katanggap-tanggap at kung ano ang hindi. Batayan ito kung ano ang tama at mali, maganda at kung ano ang nararapat at hindi nararapat
  • norms
    asal, kilos, o gawi na binubuo at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan. Nagsisilbing batayan ng mga ugali, aksyon, at pakikitungo ng isang indibidwal sa lipunang kaniyang kinabibilangan
  • mauuri ang norms sa folkway at mores
  • folkways
    ang pangkalahatang batayan ng kilos ng mga tao sa isang grupo o sa isang lipunan sa kabuuan
  • mores
    tumutukoy sa mas mahigpit na batayan ng pagkilos. Ang paglabag sa mag moresay nagdudulot ng mga legal na parusa
  • simbolo (symbols) 

    paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit dito
  • sociological imagination
    kakayahang makita ang kaugnayan ng mga personal na karanasan ng isang tao at ang lipunang kanyang ginagalawan
  • dalawang uri ng kultura
    • materyal na kultura
    • hindi materyal na kultura