EM 1: Mga Konseptong Pangwika: Kahulugan at Katangian

Cards (57)

  • Pangunahin at pinakamabusising anyo ng gawaing pansagisag ng tao ang wika - Archibald Hill
  • Itinuturing ang wika bilang saplot ng kaisipan;  gayunman, mas angkop marahil sabihing ang wika ay ang saplot-kalamnan, ang mismong katawan ng kaisipan -    Thomas Carlyle
    1. Ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong nabibilang sa isang kulturai - Henry Gleason
  • Ang kahusayan sa pagtalima sa tunog ng kapaligiran ang nakapagpapahusay sa kasanayan sa wika – Noam Chomsky
    1. Nakasalalay ang wika sa mga karanasang natatangi sa isang nilalang – Hudson
  • Ang wika ay kaugnay ng buhay at instrumento ng tao upang matalino at episyenteng makilahok sa lipunang kinabibilangan.  (Vilma Resuma at Teresita Semorlan)
    1. Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makapagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao.  (Pamela Constantino at Galileo Zafra)
  • Ang wika ay paraan ng pagpapahayag ng damdamin at opinyon sa pamamagitan ng mga salita upang magkaunawaan ang mga tao.  (Panganiban)
  • May masistemang balangkas.  Binubuo ito ng mga makabuluhang tunog (fonema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita (morfema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.
  • Ang sistema ng wika ay nakasalalay sa antas na taglay nito.  Ang antas ay maaaring tungkol sa fonema (ponolohiya), yunit ng morfema (morpolohiya) o sintaks ng pangungusap (sintaktika).
  • Ponolohiya o fonoloji – pag-aaral ng fonema o ponema; ang fonema ay tawag sa makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika.
    1. Ponolohiya o fonoloji – pag-aaral ng fonema o ponema; ang fonema ay tawag sa makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika. Halimbawa ay ang mga fonemang /l/, /u/, /m/, /i/, /p/, /a/ at /t/ na kung pagsama-samahin sa makabuluhang  ayos ay mabubuo ang salitang [lumipat].
  • Morpolohiya o morfoloji – pag-aaral ng morfema; ang morfema ay tawag sa makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa Filipino ang tatlong uri ng morfema ay ang salitang-ugat, panlapi at fonema.
  • Morpolohiya o morfoloji – pag-aaral ng morfema; ang morfema ay tawag sa makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa Filipino ang tatlong uri ng morfema ay ang salitang-ugat, panlapi at fonema. Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak, singsing, doktor, dentistaPanlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-hanFonema = a     *tauhan, maglaba, doktor   
  • Morpolohiya o morfoloji – pag-aaral ng morfema; ang morfema ay tawag sa makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa Filipino ang tatlong uri ng morfema ay ang salitang-ugat, panlapi at fonema. Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak, singsing, doktor, dentistaPanlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-hanFonema = a     *tauhan, maglaba, doktor    Lumipat Salitang ugat – lipatPanlapi- umGramatika- pangnakaraan (past tense)
    1. Sintaksis – pag-aaral ng sintaks; sintaks ay ang tawag sa porma ng mga pangungusap sa isang wika. Sa Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri at posible namang pagbaligtaran ito. Samantalang sa Ingles laging nauuna ang paksa
  • Sinasalitang tunog o binibigkas na tunog.  Maaaring ipahayag ang wika sa pamamagitan ng pagsasalita o sa pagsulat. Sa pagsasalita, ang wika ay kinakailangan bigkasin ayon sa tamang tunog at diin  ng bawat salita.  Hindi lahat ng wika ay may tunog ( hal. sign language) at hindi lahat ng tunog ay wika (dighay, sinok, ubo etc.).
  • Ponemik ang tawag sa tunog na nagpapabago sa kahulugan ng salita samantalang ponetik naman ang tawag sa tunog na kahit palitan ng ibang tunog ay walang kakayahang makapagpapaiba ng kahulugan. Pasulat naman ang representasyon ng mga tunog na sinasalita.
  • Sa pamamagitan ng mga sangkap ng pagsasalita “hindi lahat ng tunog ay binibigkas at hindi lahat ng tunog ay makabuluhan”.
  • Ano ang mga bantas na dapat gamitin sa pagsusulat?
    Tuldok, Tandang Pananong, Tandang Padamdam, Kuwit, Kudlit, Gitling, Tutuldok, Tuldok-kuwit, Panipi, Panaklong, at Tutuldok-tutuldok
  • Ano ang simbolo ng tuldok?
    Period (.)
  • Ano ang simbolo ng tandang pananong?
    Question mark (?)
  • Ano ang simbolo ng tandang padamdam?
    Exclamation point (!)
  • Ano ang gamit ng kuwit sa pagsusulat?
    Para sa paghihiwalay ng mga salita o bilang
  • Ano ang gamit ng kudlit?
    Ginagamit ito bilang panghalili sa isang titik na kinakaltas
  • Pinili at isinasaayos.  Sa pag-aaral o paggamit ng wika, mahalagang isaalang-alang ang konsepto ng gramatika at retorika. Ang retorika ay nagbibigay ng linaw, bisa at kagandahan sa pahayag, ang gramatika naman ay nagdudulot ng kawastuhan sa pahayag.
  • Ano ang simbolo ng gitling?
    Hyphen (-)
  • Ano ang simbolo ng tutuldok?
    Colon (:)
  • Ano ang gamit ng tuldok-kuwit?
    Naghuhudyat ito ng pagtatapos ng isang pangungusap na sinusundan ng isa pang sugnay nang hindi gumagamit ng pangatnig
  • Ano ang simbolo ng panipi?
    Quotation mark (“”)
  • Ano ang gamit ng panipi sa pagsusulat?

    Upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita o ang tuwirang sipi
  • Artbitraryo.  Ang wika ng isang partikular na pamayanan ay maaaring magmukhang kakatwa sa iba dahil ang wika ng isang pamayanan ay nabuo ayon sa mga napagkasunduang termino ng mga taong gumagamit nito.  Maaari ding saklawin nito ang paraan ng pagbigkas o pagbasa sa mga salita, ilang titik ang bubuo sa alpabeto at ang sistema ng panghihiram sa mga wikang katutubo at dayuhan.  Nagkakaroon ng pagkakakilalan ang bawat wika na sadyang ikinaiiba ng bawat isa. 
  • Ano ang simbolo ng panaklong?
    Parenthesis ( )
  • Ano ang gamit ng panaklong?
    Ginagamit ito bilang pambukod sa salita o mga salitang hindi direktang kaugnay ng diwa ng pangungusap
  • Ano ang simbolo ng tutuldok-tutuldok?
    Elipsis (…)
  • Kapantay o kaugnay ng kultura.  Walang wikang umunlad pa kaysa sa kultura, gayundin, walang kulturang yumabong nang di kasabay ang wika.  Ang iba’t ibang larangan ng sining, paniniwala, kaugalian, karunungan at kinagawian ang siyang bumubuo sa kultura.  Ang mga taong kabahagi sa isang kultura ay lumilinang ng isang wikang naangkop sa kanilang pangangailangan sa buhay.
  • Dinamiko o nagbabago.  Sumasabay ang wika sa pagbabagong nagaganap sa mundo.  Patay ang isang wika kung wala na itong tinatanggap na pagbabago.  Dahil sa agham at teknolohiya, lumalawak ang talasalitaan ng anumang wika ganoon din ang sistema ng pagsulat at ang palabaybayan. 
  • Ang lahat ng wika ay nanghihiram.  Ang pag-unlad ng isang buhay na wika ay natural dahil walang wikang puro. Ang panghihiram ay paglinang sa isang wika upang maipahayag nang malinaw at maayos ang isang pagpapahayag.
  • Ano ang ginagamit sa komunikasyon ayon sa study material?
    Sinasalita ang tunay na wika.
  • Ano ang pagkakaiba ng wikang pasulat sa sinasalitang wika?
    Ang wikang pasulat ay paglalarawan lamang ng wikang sinasalita.