May mga pagkakahawig din ang ispeling at tunog ng mga salita sa isang diyalekto. Madalas na pagsimulan din ito ng stereotyping o pagkakahon sa isang tao batay sa lugar na pinanggalingan. Sinasabi rin na halata ang punto ng isang taong nasanay ang dila sa diyalektong kanyang gamit sa pangaraw-araw na buhay. Kung gayon, diyalekto ang Bikol-Naga, Bikol-Nabua, Bikol-Daet, Bikol-sorsogon, Bikol-Masbate. Pero sa pangkalahatan, wika ang Bikol.