Ang wika ay heterogenous. Nangangahulugan ito na ang wika ay may iba’t ibang katangian na maaaring naiimpluwensyahan ng mga salik panlipunan tulad ng edad, hanapbuhay, antas ng pinag-aralan, kasarian, kalagayang panlipunan, rehiyon o lugar, pangkat-etniko o tinatawag ding etnolinggwistikong komunidad na kinabibilangan ng isang tao. Ang iba’t ibang salik na ito ay nagreresulta sa pagkakaroon ng iba’t ibang barayti ng wika.