Save
FILIPINO - 1st Quarter
KARUNUNGANG BAYAN
Save
Share
Learn
Content
Leaderboard
Learn
Created by
simeon
Visit profile
Cards (8)
Mga Uri ng Karunungang Bayan:
Sawikain
Salawikain
Bugtong
Panudyo
Kasabihan
Bulong
Palaisipan
Sawikain
Grupo ng mga salita na patalinghaga at 'di tuwirang naglalarawan sa isang bagay, sitwasyon, o pangyayari
Idyoma sa Ingles.
Pinapakita ang kaisipan at kaugalian ng isang lugar.
Nakatutulong ang paggamit nito upang mas lalong mabigyang-diin ang isang pahayag o pangungusap.
Ito ay nakapupukaw sa damdamin ng mga nakikinig o nagbabasa.
Ito ay matatalinhagang pahayag na kung minsan ay nagpapahiwatig ng sentimyento ng isa o grupo ng mga tao.
Halimbawa : butas ang bulsa -
walang pera
Salawikain
Mga aral o paalaalang ang pagkakabuo o pagbabalangkas ay may sukat o tugma.
Ito ay nakaugalian nang sabihin at nagsilbing batas at tuntunin ng kagandahang asal.
Maikli lamang ngunit punong-puno ng kahulugan.
May layuning magbigay-patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
Halimbawa : Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
Bugtong
Ito ay mga anyong patula, binubuo ng dalawang taludtod na may sukat sa tugma.
Taglay nito ang paglalarong patula.
Ito ay nagpapatalas ng isip.
Halimbawa : Isang munti kong kumpare, Naakyat kahit kahoy na malaki - langgam
Panudyo
Patula ang pagkakabuo
Bigkasin ng mga bata at matatanda
Halimbawa : Tutubi, tutubi, Huwag kang pahuli, Sa batang mapanghi.
Kasabihan
Payak ang kahulugan at hindi gumagamit ng talinghaga
Ang kilos, ugali, at gawi ng isang tao ay masasalamin sa mga ito.
Halimbawa : Ubos-ubos biyaya, Maya-maya, nakatunganga.
Bulong
May iba't ibang gamit.
Sa pang-engkanto, sa pangkukulam, sa panunumpa, sa paggalang sa mga anito at 'di-mabubuting espiritu, o sa pagpapagaling sa may sakit.
Halimbawa : Makikiraan po, baka kayo mabunggo + Tabi-tabi po, Makikiraan lang po.
Palaisipan
Isang paraan ng pagpukaw at pahasa ng isipan ng tao.
Nakalilibang ito at nakadaragdag ng kaalaman.