Ang wika ay masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong
nabibilang sa isang kultura
Edward Sapir -
"Likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin,
at mithiin."
Carrol -
"Sistema ng mga sagisag na binubuo at
tinatanggap ng lipunan na ginagamit sa
komunikasyon"
WIKA - Nagsisilbi itong tagapag-ingat ng kultura at kasaysayan ng isang grupo
WIKA - Nagsisilbi itong tagapag-ingat ng kultura at kasaysayan ng isang grupo
WIKA - Sa isang wika makikilala ng bayan ang kaniyang kultura at matutuhan niya itong angkinin at ipagmalaki.
KATANGIAN NG WIKA -
Ang Wika ay Masistema Ang wika ay may organisadong
balangkas ng mga tunog kung kaya
ito ay naiintindihan ng lahat.
KATANGIAN NG WIKA -
Ang Wika ay Sinasalitang Tunog Pinagsama-samang tunog, dahil
sa pagsasama-sama tayo ay
nakalilikha ng mga salita, parirala,
at pangungusap.
KATANGIAN NG WIKA -
Ang Wika ay Sinasalitang Tunog Pinagsama-samang tunog, dahil
sa pagsasama-sama tayo ay
nakalilikha ng mga salita, parirala,
at pangungusap.
Ang Wika ay Arbitraryo - Ang bawat wika ay may kani-kaniyang set ng
palatunugan, leksikal, gramatikal na estruktura na
ikinaiiba sa ibang wika.
Ang nabuong mga salita at mga kahulugan ay
pinagkasunduan ng mga taong kapangkat sa isang
kultura.
Ang Wika ay Ginagamit - Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon
mahalagang patuloy itong ginagamit.
Ang Wika ay Nakabatay sa Kultura - Paano nagkakaiba-iba ang wika sa daigdig? Ito
ay dahil sa iba-iba ang kultura ng bansa at
pangkat.
Ang Wika ay Nagbabago - Dinamiko ang wika, nagbabago ang kahulugan
at gamit nito
Ang Wika ay may Antas - Nahahati ang wika sa iba’t ibang kategorya ayon
sa kaantasan nito. Kalimitan nagiging basehan
ang wika upang makilala ang isang tao at maiuri
siya ayon sa antas ng lipunang kaniyang
kinabibilangan.
Ang Wika ay Makapangyarihan - Kasangkapan upang labanan ang bagay na
salungat sa wastong pamamalakad at pagtrato
sa tao.