EKONOMIKS - Isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadongpinagkukunangyaman.
Nagmula sa salitang Griyego na Aikonomiya
Aikos - bahay
Nomos - pamamahala
PINAGKUKUNANG YAMAN - Ano mang bagay na ginagamit ng tao upang tugunan ang kanyang pangangailangan & kagustuhan
PANGANGAILANGAN - Tumutukoy sa mga produkto na kailangang mayroon ang tao sa pang-araw-araw na gawain/buhay.
KAGUSTUHAN - Mga bagay na hinahangad ng tao sapagkat nagdudulot ito ng higit na kasiyahan.
MAKROEKONOMIKS - Larangan ng Ekonomiks na pinag-aaralan ang kabuuang Ekonomiya. Sinusuri nito ang malawakang pangyayaring pang-ekonomiya
MAYKROEKONOMIKS - Sangay ng ekonomiks na tumutukoy sa galaw ng maliit na bahagi/yunit ng kabuhayan at may kaugnayan sa pag-aaral ng indibidwal na pagpili
PRODUKSYON - Tumutuloy sa paglikha, paggawa, o pagbuo ng mga produkto/serbisyo upang tumugon sa pangangailangan ng tao & kagustuhan.
PAGKONSUMO - Tumutukoy sa pagbili, paggamit, o pagunos ng mga produkto at serbisyo upang tugunan ang mga kailangan at bigyang saya ang sarili
PAGPAPALITAN - Ang paglipat ng produkto & serbisyo mula sa isang tao patungo sa ibang tao.
PAMAMAHAGI/DISTRIBUSYON - Ito ay tumutukoy sa pagbibigay ng bahagi ng kita sa mga salik na ginamit sa produksyon
PAMPUBLIKONHGPANANALAPI - Dahil parte ng pag-unlad ng ekonomiya ang pamahalaan, mahalagang makakuha ito ng salapi tulad ng buwis upang makapagbigay ng public service sa tao. Tinatawag din itong PAGTUSTOS
TRADE-OFF - Ito ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay.
OPPORTUNITY COST - Tumutukoy sa halaga ng bagay/ng best alt. na handang  ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon.
INCENTIVE - Bagay/karanasan na nagiging pagganyak upang tangkilikin ang isang kalakal/paglilingkod
MARGINAL THINKING - Pagsasaalang-alang sa karagdagang pakinabang sa pagpili ng isang kalakal/serbisyo
SOSYOLOHIYA - Nag-aaral ng mga grupo at kanilang ugnayan, mahalaga sa pag-unawa ng mga pattern ng konsumo & distrihusyon ng yaman
AGHAM PAMPOLITIKA - Sinusuri ang mga patakaran ng Govt. na may direktang epekto sa ekonomiya tulad ng pagbubuwis & regulasyon
KASAYASAYAN - Tumutulong sa pag-unawa ng mga ekonomikong pagbabago at krisis sa pamamagitan ng pag-aaral ng pangyayaring pang-ekonomiya sa lipunan
ANTROPOLOHIYA - Nag-aaral ng kultura, mahalaga ang pag unawa kung paano ang mga kultural na aspeto ay nakakaapekto sa ekonomiyang gawain.
HEOGRAPIYA - Tinutuloy ang pisikal na lokasyon & yaman ng isang lugar na may direktang epekto sa kalakalan & produksyon
SIKOLOHIYA - Sinusuri ang mga pag-uugalu ng indibidwal, tulad ng konsumo at pamumuhunan, na mahalaga sa mga desisyong panlipunan
SISTEMANG PANG-EKONOMIYA - Ay ang organisadong paraan ng pagtugon ng mga tao sa isang lipunan/bansa.
ALOKASYON - Ang paglalaan ng takdang dami ng pinagkukunang yaman ayon sa pangangailangan/kagustuhan ng tao
PANIC BUYING - Ang biglaang pagdami ng pagbili ng tao sa mga produkto dahil sa takot na maubusan ng suplay sa panahon ng krisis
HOARDING - Ay ang lavis na pag-ipon o pagtago ng isang produkto, lalo na kung may kakulangan/inaasahang pagtaas ng presyo
TRADITIONAL ECONOMY - Kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiya
COMMAND - Ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontol at regulasyon ng pamahalaan.
MARKET - Ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiya ay ginagabayan ng mekanismo ng malayang pamilihan
MIXED - Isang sistema na kinakapalooban ng elemento ng market & command economy
MGA KATANUNGANG PANG-EKONOMIYA:
Ano ang gagawin?
Paano gagawin?
Para kanino?
Gaano karami?
PRESYO - Ang halagang ipinapataw sa mga produkto/serbisyo sa pagbili/paggamit ng mga ito. Nakabase ang pagpataw nito sa suplay & demand
KITA - Halagang nakukuha/natatangap ng tao kapalit ng produkto/serbisyong kanilang binibigay
LAW OF VARIETY (BATAS NG PAGKAKAIBA-IBA) - Isinasaad sa batas na ito na higit ang kasiyahan ng tao sa pagkonsumo ng iba’t ibang klase ng produkto kaysa sa pag-gamit ng iisang produkto
LAW OF HARMONY (BATAS NG PAGKAKABAGAY-BAGAY) - Isinasaad ng batas na ito na kapag ang tao ay kumukonsumo ng magkakakomplementaryong produkto at higit na nagtatamo ng kasiyahan
LAW OF IMITATION - Ang  mga tao ay nagtatamo ng higit na kasiyahan kapag kumokonsumo ng mga  produktong ginaya lamang sa iba.
LAW OF DIMINISHING UTILITY - Nagpapaliwanag na unti-unting bumababa ang kasiyahan na natatamo ng tao sa pagkonsumo ng sunod-sunod o pare-parehong bagay
LAW OF ECONOMIC ORDER - Ayon sa batas na ito, higit na nasisiyahan ang tao kapag mas nabibigyang halaga niya ang kanyang mga pangunahing pangangailangan