Kilala rin bilang katutubong wika, inang wika, arteryal na wika, o L1 ay ang wika na unang natutuhan at ginagamit sa pakikipagtalastasan.
IKALAWANG WIKA -
Ikalawang wikang (L2) natutuhan matapos maging taal sa kinagisnang wika o unang wika.
Monolingguwalismo -
Paggamit ng isang wika bilang midyum ng komunikasyon.
Bilingguwalismo -
Paggamit ng dalawang wika bilang midyum ng komunikasyon at talastasan
Multilingguwalismo -
Paggamit ng higit sa dalawang wika bilang midyum sa pakikipagtalastasan. Maaaring pagamit ng unang wika/katutubong wika, pambansang wika at wikang banyaga.