Konsepto at batas pangwika

Cards (58)

  • Ano ang etimolohikal na kahulugan ng wika?
    Ang wika ay nagmula sa salitang Latin na "lengua" na ang ibig sabihin ay "dila."
  • Ano ang pananaw ni Paz, Hernandez, at Peneyra tungkol sa wika?

    Ang wika ay tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan natin.
  • Ano ang depinisyon ni Henry Allan Gleason, Jr. tungkol sa wika?
    Ang wika ay masistemang balangkas ng mga binibigkas na tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong nabibilang sa isang kultura.
  • Ano ang pananaw ni Charles Darwin tungkol sa wika?
    Ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ay nagtuturo sa kanya upang makalikha ng iba’t ibang wika.
  • Ano ang sinabi ni Plato tungkol sa wika?
    Ang wika ay nabubuo ayon sa batas ng pangangailangan ng tao na may mahiwagang kaugnayan sa kalikasan at ng mga kinatawan nito.
  • Ano ang pananaw ni Rene Descartes tungkol sa wika?
    Ang wika ay nagpapatunay ng pagkakaiba-iba ng mga tao.
  • Ano ang tatlong kahalagahan ng wika?
    • A. Sa Sarili
    • B. Sa Kapwa
    • C. Sa Lipunan
  • Ano ang nakasaad sa Saligang Batas ng Pilipinas tungkol sa wikang pambansa noong 1935?

    Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
  • Kailan itinatag ni Pangulong Manuel L. Quezon ang Surian ng Wikang Pambansa?
    Oktubre 27, 1936.
  • Ano ang layunin ng Surian ng Wikang Pambansa na itinatag ni Pangulong Quezon?

    Gumawa ng isang pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas upang makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang pambansang wikang panlahat.
  • Anong batas ang pinagtibay ng kongreso na nagtatag ng isang Pambansang Surian ng Wika?
    Batas Komonwelt Blg. 184.
  • Kailan hinirang ni Pangulong Quezon ang mga kagawad ng Surian ng Wikang Pambansa?
    Enero 12, 1937.
  • Ano ang naging resulta ng pag-aaral ng Surian ng Wikang Pambansa noong Nobyembre 9, 1937?
    Ang wikang Tagalog ang gagawing saligan ng wikang pambansa.
  • Ano ang ipinatupad ng Pangulong Quezon noong Disyembre 30, 1937?
    Ang paggamit ng Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa.
  • Anong kautusan ang nagbigay pahintulot sa pagpapalimbag ng Diksyunaryong Tagalog-Ingles at Balarila ng Wikang Pambansa?
    Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263.
  • Kailan pinagtibay ng Batas Komonwealth Blg. 570 ang Pambansang Wika bilang isa sa mga wikang opisyal ng Pilipinas?
    Hunyo 7, 1940.
  • Ano ang nilalaman ng Kautusang Pangkagawaran na inilabas noong Abril 12, 1940?
    Ang pagtuturo ng wikang pambansa ay sinimulan muna sa mataas at paaralang normal.
  • Ano ang ipinahayag noong Hulyo 4, 1946, tungkol sa mga wikang opisyal sa bansa?
    Ang mga wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles.
  • Ano ang nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay noong Marso 26, 1954?

    Proklamasyon Blg. 12 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa.
  • Ano ang nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay noong Setyembre 23, 1955?

    Proklamasyon Blg. 186 na nag-uutos sa paglilipat ng petsa ng Linggo ng Wika.
  • Ano ang nilagdaan ni Gregorio Hernandez noong Pebrero, 1956?
    Sirkular 21 na nag-uutos ituro at awitin ang Pambansang Awit sa mga paaralan.
  • Ano ang nilabas ni Kalihim Jose E. Romero noong Agosto 13, 1959?
    Kautusang Pangkagawaran blg. 7 na nagsasaad na wikang pambansa ay tatawaging Pilipino.
  • Ano ang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos noong Oktubre 24, 1967?
    Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na nagtutadhana ng pagsasa-Pilipino ng mga pangalan ng gusali o edipisyo at tanggapan ng pamahalaan.
  • Ano ang nilagdaan ni Rafael Salas noong Marso 27, 1968?
    Memorandum Sirkular Blg. 96 na nag-aatas ng paggamit ng wikang Pilipino sa mga opisyal na komunikasyon sa mga transaksyong pampamahalaan.
  • Ano ang nilagdaan ni Ernesto Maceda noong Agosto 7, 1968?
    Memo Sirkular Blg. 227 na nag-uutos sa mga pinuno at kawani ng pamahalaan na dumalo sa mga seminar kaugnay ng Exec. Order 187.
  • Ano ang nilagdaan ni Alejandro Melchor noong Agosto 17, 1970?
    Memo Sirkular Blg. 384 na nagtatalaga ng mga tauhang may kakayahan upang mamahala sa lahat ng komunikasyon sa Pilipino sa lahat ng departamento, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan.
  • Ano ang nilagdaan ni Pangulong Marcos noong Marso 16, 1971?
    Kautusang Blg. 304 na nagpapanatili ng pagsasarili ng Surian ng Wikang Pambansa.
  • Ano ang nilagdaan noong Hulyo 29, 1972, na humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan?
    Memorandum Sirkular Blg. 488 na humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng Linggo ng Wika.
  • Ano ang nilagdaan ni Pangulong Marcos noong Disyembre 1, 1972?
    Kautusan Panlahat Blg. 17, na nag-uutos na limbagin ang Saligang Batas sa wikang Pilipino at Ingles.
  • Ano ang atas ng Pangulo Blg. 73 na pinalabas noong Disyembre, 1972?
    Ang Surian ng Wikang Pambansa ay inaatasan na ang Saligang Batas ay isalin sa mga wikang sinasalita ng may limampung libong mamamayan.
  • Ano ang nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel noong Hunyo 19, 1974?
    Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 na nagtatadhana ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang edukasyong bilinggwal.
  • Ano ang petsa kung kailan nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Kautusang Blg. 304?
    Marso 16, 1971
  • Ano ang layunin ng Kautusang Blg. 304 na nilagdaan ni Pangulong Marcos?
    Upang panatilihin ang pagsasarili ng Surian ng Wikang Pambansa
  • Anong memorandum ang humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng Linggo ng Wika?
    Memorandum Sirkular Blg. 488
  • Ano ang petsa ng paglagda ni Pangulong Marcos sa kautusan na nag-uutos na limbagin ang Saligang Batas sa wikang Pilipino at Ingles?
    Disyembre 1, 1972
  • Ano ang nilalaman ng Atas ng Pangulo Blg. 73 na pinalabas ni Pangulong Ferdinand E. Marcos?
    Inaatasan ang Surian ng Wikang Pambansa na isalin ang Saligang Batas sa mga wikang sinasalita ng may limampung libong mamamayan
  • Anong kautusan ang nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Edukasyon at Kultura noong Hunyo 19, 1974?
    Kautusang Pangkagawaran Blg. 25
  • Ano ang layunin ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 na nilagdaan noong 1974?

    Magpatupad ng patakarang edukasyong bilinggwal sa mga paaralan
  • Anong kautusan ang nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na pandalubhasaang antas noong 1978?
    Kautusang Pangministro Blg. 22
  • Ano ang nilalaman ng Proklamasyon Blg. 19 na nilagdaan ni Pangulong Corazon C. Aquino noong Agosto 12, 1986?
    Kinikilala ang Wikang Pambansa na may mahalagang papel sa himagsikang pinasiklab ng Kapangyarihang Bayan