BIONOTE/CV/TALAMBUHAY

Cards (11)

  • Bionote
    sulating naglalahad ng mga impormasyong may kinalaman sa larangan o propesyong kinabibilangan ng taong tinutukoy rito
  • Bakit ginagawa ng isang propesyonal ang isang bionote?
    upang maipakilala ang kaniyang sarili sa kaniyang tagabasa, taganood, tagasubaybay, o tagapakinig.
  • Ano ang nilalahad ng isang bionote?
    ang kredibilidad ng isang tao at kaugnayan nito sa ginawang aklat, sinulat na kuwento, sinulat na pananaliksik, at iba pa.
  • Katangian ng bionote
    Isinusulat sa patalatang anyo tungkol sa mahahalagang impormasyong may kinalaman sa propesyon ng tinutukoy na tao.
    Ginagamit ito upang malaman ang husay, galing, at kaaalaman ng isang tao sa isang partikular na larangan.
  • Karaniwang nilalaman ng isang bionote
    Impormasyon ukol sa edukasyong natamo, karangalang natamo, mga naisulay na akda o nagawang obra, karanasan sa trabaho, at iba pang tumatalakay sa isang larangan.
  • Biodata o curriculum vitae
    Naglalaman din ng mahahalagang impormasyon tungkol sa isang tao tulad ng natamong edukasyon, naging karanasan sa trabaho at iba pang makikita sa bionote.
  • Kaibahan ng biodata sa bionote
    Ang biodata ay naglalaman ng personal na impormasyon tulad ng araw at lugar ng kapanganakan, pangalan ng mga magulang, kasarian, edad, at iba pa.
  • Saan madalas na ginagamit ang biodata
    Sa paghahanap ng trabaho at pagpapakilala
  • Talambuhay
    Isinasalaysay rito ang naging buhay ng isang tao simula nang siya ay ipanganak, hanggang sa kasalukuyang panahon.
    Nilalaman nito ang maliliit na detalye tungkol sa naging buhay ng tao na maaaring mapagkunan ng inspirasyon.
  • Karaniwang mahaba ang isang talambuhay
  • Punto de bista ng isang bionote
    Nakasulat sa ikatlong panauhan