Ang pagpupulong ay isang gawain ng mga taong kabilang sa isang organisasyon upang mapag-usapan ang mga bagay na dapat bigyang-pansin sa pagpapatakbo ng kanilang organisasyon
Ang court reporter ay nagtatala ng lahat ng mga nangyayari sa loob ng korte. Itinatala niya ang lahat ng kaniyang maririnig mula sa mga taong sangkot sa pgdinig.
Agenda ayon kay Villanueva ant Bandril (2019)
ay talaan ng mga paksang tatalakayin sa isang pagpupulong.
Bakit mahalaga ang isang agenda
mahalagang bahagi ng pagpaplano at pagpapatakbo ng pulong ang agenda dahil nililinaw nito ang layunin at mga detalye ng pag-uusapang paksa.
Kahalagahan ng agenda bilang talaan
Nagbibigay direksyon at gabay upang mabilis na maratong ang patutunguhan ng pulong
Nilalaman ng isang agenda
-aksyonrekomendasyong inaasahan sa pagpupulong
-mahalagang pagbabahagi ng pagpapalano at pagtalakay sa pulong
Hakbang sa pagsulat ng agenda
1.Sabihin ang mga dapat dumalo
2. Buuin ang agenda na naglalaman ng tatalakaying paksa at ng mangunguna
3. Ipakita sa mga nangunguna kung sinangayunan ang nabuong agenda
4. Tignang mabuti kung may dapat pang iwasto sa agenda
5. Ipamigay ang agenda sa mga dadalo
Kahalagahan ng isang agenda
para saan ang agenda
Paano kung walang agenda
Katitikan
Dito itinatala ang lahat ng mahahalagag detalyeng napag-usapan at nabanggit sa pagpupulong.
Nakikita dito ang naging agenda sa pagpupulong at ang mga detalye ukol dito.
Karaniwang nagusulat ng katitikan
Kalihim, encoder, court reporter.
Maaari rin namang i-record ang pagpupulong upang madaling mabalikan ang mga napag-usapan at mabigyang-linaw ang ilang mga bahagi na hindi gaanong naintindihan.
Katitikan ng pulong
opisyal na tala o rekord ng mahahalagang puntong napag-usapan sa pulong ng isang grupo o organisasyon.
Gaano kahalaga ang katitikan ng pulong
Mahalaga ito sapagkat hindi lahat ng napag-uspaan sa isang pulong ay maalala ng bawat dumalo.
Mas napadadali ng katitikan ang pagbabalik anumang oras ang mga napag-usapan o napagkasunduan sa pulong.
Haba ng katitikan ng pulong
Nakasalalay ang haba ng katitikan sa mga napag-usapang desisyon sa loob ng isang pulong.
Maaaring sagutin nito ang 5Ws at 1H
Nilalaman ng katitikan
Paksa, oras at petsa, lugar, mga dumalo at hindi nakadalo, oras ng pagsisimula at pagtatapos, mga napagusapan