VARAYTI NG WIKA

Cards (9)

  • VARAYTI NG WIKA -
    Ito ay sanhi ng pagkakaiba ng uri ng lipunan na ating ginagalawan, heograpiya, antas ng edukasyon, trabaho, edad at kasarian at uri ng pangkat-etniko na ating kinabibilangan.
  • DAYALEK/ DAYALEKTO -
    Nakikita ito kaugnay ng pinanggagalingang lugar ng tagapagsalita o grupo ng tagapagsalita sa isa sa tatlong dimension: espasyo, panahon at katayuang sosyal. HALIMBAWA: Tagalog Manila - Bakit? Tagalog Batangas - Bakit ga? Tagalog Bataan - Bakit ah?
  • SOSYOLEK -
    Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Ang mga salitang ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo-ekonomiko at kasarian ng indibidwal na gumagamit ng mga naturang salita.

    HALIMBAWA

    - Sige, jujumbagin kita! (Sige ka, susuntukin kita)
    - May amats na ako 'tol (Lasing na ako kaibigan/kapatid) - Repapips, alaws na ako datung eh (Pare, wala na akong pera)
  • IDYOLEK - Tawag sa kanya-kanyang paraan ng paggamit ng wika. Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao. HALIMBAWA: "Hoy Gising" - Ted Failon "Hindi naming kayo tatantanan!" - Mike Enriquez "Lumipad ng aming team" - Jessica Soho
  • ETNOLEK - Wika na nadebelop mula sa mga salita ng mga etnolinggwistikong grupo. Taglay nito ang mga wikang naging bahagi ng kanilang pagkakakilanlan. HALIMBAWA: - Payew-Hagdan-hagdang Palayan (Wika ng mga Ifugao) - Vakul - Tumutukoy sa gamit ng Ivatan na pantakip sa kanilang ulo tuwing panahon ng tag-init at tag-ulan
  • EKOLEK - Wika na kadalasan ay mula o sinasalita sa loob ng bahay. HALIMBAWA - Palikuran - banyo - Pamingganan - Lalagyan ng plato
  • JARGON - Baryasyon ng wikang may kaugnayan sa taong nagsasalita o gumagamit ng wika. Ito ay barayti ng wikang espisyalisadong ginagamit ng isang partikular propesyon. HALIMBAWA: Justice, Court, Hearing (Abogado) Class Record, Lesson Plan, Kurikulum (Titser)
  • PIDGIN -
    Isang uri ng barayti ng wika na tumutukoy sa wikang walang pormal na istruktura. sa Nadedebelop ito dahil na rin sa pangangailangan na makabuo ng isang pahayag.

    HALIMBAWA:

    - Kayo bili alak akin (Kayo na ang bumili ng alak para sa akin) - Suki ikaw bili akin, ako bigay diskawnt (Suki, bumili ka na ng paninda ko, bibigyan kita ng diskwento)
  • CREOLE -
    Barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng indibidwal mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing wika ng particular na lugar.

    HALIMBAWA:

    - Chavacano - pinaghalong wikang Espanyol at Filipino