PAGHAHANDA SA KALAMIDAD

Cards (11)

  • Ayon kay Carter (1992), ang disaster management ay isang dinamikong proseso na sumasakop sa pamamahala ng pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno at pagkontrol.
  • Ayon naman kina Ondiz at Rodito (2009), ang disaster management ay tumutukoy sa iba’t ibang gawain na dinisenyo upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna, kalamidad, at hazard.
  • mga termino:
    1. Hazard - tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao. Kung hindi maiiwasan, maaari itong magdulot ng pinsala sa buhay, ari-arian, at kalikasan.
    1.1. Anthropogenic Hazard o Human-Induced Hazard - tumutukoy sa mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao.

    1.2. Natural Hazard - tumutukoy sa mga hazard na dulot ng kalikasan
  • mga termino:
    2. Disaster - tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya.

    3. Vulnerability - tumutukoy ang vulnerability sa tao, lugar, at imprastruktura na may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard
  • Risk - tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng pagtama ng isang kalamidad.
  • Resilience - tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad.
  • National Disaster Risk Reduction and Management (NDRRMC) - Framework ang pagiging handa ng bansa at mga komunidad sa panahon ng mga kalamidad at hazard.
  • Community Based-Disaster and Risk Management (CBDRM) - proseso sa pagbuo ng isang disaster management plan
  • Ayon kina Abarquez at Zubair (2004) ang Community-Based Disaster Risk Management ay isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan.
  • Bottom-up approach - nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang sektor ng lipunan ang mga hakbang sa pagtukoy, pag-aanalisa, at paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan sa kanilang pamayanan.
  • Top-down approach - tumutukoy sa situwasiyon kung saan lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng pamahalaan.