pagpapalawak

Cards (26)

  • Ano ang layunin ng mga teknik sa pagpapalawak ng paksa?
    Upang mas mapalalim at mapalawak ang isang ideya o paksa sa pagsusulat o pagtalakay.
  • Ano ang mga teknik sa pagpapalawak ng paksa?
    1. Pagbibigay ng Depinisyon
    2. Pagsusuri (Analysis)
    3. Pagbibigay ng Halimbawa
    4. Paghahambing at Pagkokontrast
    5. Sanhi at Bunga (Cause and Effect)
    6. Pagbibigay ng Datos at Estadistika
    7. Pagsasalaysay
    8. Pag-uuri o Klasipikasyon
    9. Paggamit ng Pahayag ng Kilalang Tao (Quotations)
    10. Paglalapat (Application)
    11. Pagsasalungat
  • Ano ang ibig sabihin ng "pagbibigay ng depinisyon" sa konteksto ng pagpapalawak ng paksa?
    Pagpapaliwanag ng kahulugan ng isang salita o konsepto upang mas mapalawak ang pagkakaintindi ng mambabasa.
  • Paano mo maipapaliwanag ang kahulugan ng "kalayaan" gamit ang teknik na "pagbibigay ng depinisyon"?
    Sa pamamagitan ng pagtalakay sa kahulugan ng "kalayaan" sa iba't ibang aspeto—politikal, kultural, o personal.
  • Ano ang layunin ng pagsusuri (analysis) sa pagpapalawak ng paksa?

    Upang hatiin ang isang buong konsepto o paksa sa mas maliliit na bahagi upang masuri ito nang detalyado.
  • Ano ang halimbawa ng pagsusuri sa mga sanhi ng pagbabago ng klima?
    Ang pagsusuri sa mga sanhi ng pagbabago ng klima at ang mga epekto nito sa kapaligiran.
  • Ano ang layunin ng pagbibigay ng halimbawa sa pagpapalawak ng paksa?
    Upang magbigay ng mga kongkretong halimbawa upang ilarawan at ipaliwanag ang isang abstraktong ideya o paksa.
  • Paano mo maipapakita ang "pagtutulungan" gamit ang teknik na "pagbibigay ng halimbawa"?

    Sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa ng mga programa sa komunidad na nagpapakita ng pagtutulungan ng mga mamamayan.
  • Ano ang layunin ng paghahambing at pagkokontrast sa pagpapalawak ng paksa?

    Upang ihambing ang pagkakatulad ng dalawang bagay at pagkokontrast ang kanilang pagkakaiba upang mas maunawaan ang mga konsepto.
  • Ano ang halimbawa ng paghahambing at pagkokontrast sa edukasyon?

    Ikumpara ang tradisyonal na edukasyon at online learning, at talakayin ang kanilang pagkakatulad at pagkakaiba.
  • Ano ang layunin ng sanhi at bunga (cause and effect) sa pagpapalawak ng paksa?

    Upang ipaliwanag ang dahilan ng isang pangyayari o ideya at ang mga bunga o epekto nito.
  • Ano ang halimbawa ng sanhi at bunga na may kinalaman sa polusyon?
    Anong mga sanhi ang nagdudulot ng pagkakaroon ng polusyon, at ano ang mga epekto nito sa kalusugan at kalikasan?
  • Ano ang layunin ng pagbibigay ng datos at estadistika sa pagpapalawak ng paksa?
    Upang gumamit ng mga numero, datos, at estadistika upang suportahan ang pahayag at magbigay ng katibayan sa isang argumento o pananaw.
  • Ano ang halimbawa ng pagbibigay ng datos at estadistika sa konteksto ng social media?
    Ayon sa isang pag-aaral, 70% ng mga kabataan ay mas naiimpluwensiyahan ng social media kaysa sa tradisyunal na media.
  • Ano ang layunin ng pagsasalaysay sa pagpapalawak ng paksa?
    Upang magbigay ng mga kwento o anekdota na makakapagpalalim ng paksa sa pamamagitan ng mga karanasan ng tauhan o personal na karanasan ng may-akda.
  • Ano ang halimbawa ng pagsasalaysay na nagpapakita ng kahalagahan ng pagtutulungan?
    Isalaysay ang personal na karanasan sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo upang ipakita ang kahalagahan ng pagtutulungan.
  • Ano ang layunin ng pag-uuri o klasipikasyon sa pagpapalawak ng paksa?
    Upang pangkatin ang mga bagay o konsepto ayon sa kanilang uri o katangian upang mas maipaliwanag ang bawat isa.
  • Ano ang halimbawa ng pag-uuri o klasipikasyon sa komunikasyon?

    Uriin ang iba't ibang anyo ng komunikasyon—pasalita, pasulat, at di-pasalitang komunikasyon.
  • Ano ang layunin ng paggamit ng pahayag ng kilalang tao (quotations) sa pagpapalawak ng paksa?
    Upang gumamit ng mga pahayag o opinyon ng eksperto o kilalang tao bilang suporta sa ideya o argumento.
  • Ano ang halimbawa ng paggamit ng pahayag ng kilalang tao sa konteksto ng kalayaan?
    "Ang kalayaan ay hindi isang bagay na basta ibinibigay, kundi pinagsusumikapan." – Nelson Mandela.
  • Ano ang layunin ng paglalapat (application) sa pagpapalawak ng paksa?
    Upang ipakita kung paano naaangkop o nagagamit ang isang konsepto o ideya sa totoong buhay o sa iba't ibang sitwasyon.
  • Ano ang halimbawa ng paglalapat ng sustainable development sa pang-araw-araw na buhay?
    Ang mga prinsipyo ng sustainable development ay maaaring ilapat sa pang-araw-araw na gawain tulad ng pagtitipid ng tubig at paggamit ng renewable energy.
  • Ano ang layunin ng pagsasalungat sa pagpapalawak ng paksa?
    Upang ipakita ang mga ideya o pananaw na sumasalungat sa pangunahing paksa upang maipakita ang iba’t ibang perspektibo at mapalalim ang diskurso.
  • Ano ang halimbawa ng pagsasalungat sa konteksto ng artificial intelligence?
    Ang pagtatalo tungkol sa mga benepisyo at disadvantages ng paggamit ng artificial intelligence sa mga trabaho.
  • Ano ang mga benepisyo ng paggamit ng mga teknik sa pagpapalawak ng paksa?
    • Mas malinaw na pagpapaliwanag ng paksa
    • Mas malalim na pag-unawa sa mga ideya
    • Mas epektibong komunikasyon ng impormasyon
  • BIODIVERSITY Population - a group of living things within a certain area that are all the same species. THREATENED - Species that decline so fast that it is likely to become endangered. Endangered - Species whose population becomes so low that only a few remain, in danger of extinction. Extinct - Species that has disappeared when the last of its members die. BIODIVERSITY LOSS - a decrease in biodiversity within a species, an ecosystem, a given geographic area, or Earth as a whole.