wikang ito ang nagbubuklod ng mga mamamayan ng bansang Pilipinas.
Humigit kumulang na 150 wika at diyalekto ang umiiral sa ating bansa.
kinakailangan na magkaroon ng wikang mauunawaan at masasalita ng mga Pilipino.
1934
paksang mainit ang pinagtalunan, pinagisipan, at tinalakay sa Kumbensiyong Konstitusyunal noong 1934, ang pagpili sa wikang ito.
sinalungat ito ng mga maka-Ingles na naniniwalang higit na makabubuti sa mga Pilipino ang pagiging mahusay sa wikang Ingles.
Iminungkahi ng grupo ni Lope K. Santos, na ang wikang Pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na wika ng Pilipinas
1935
Ang pagsusog ni Pangulong ManuelL.Quezon ay nagbigay daan sa probisyong pangwika na nakasaad sa ArtikuloXIV, Seksyon3 ng SaligangBatas ng 1935 na nagsasabing:
“Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t hindi itinatakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila ang siyang manananitiling Opisyal na Wika.”
1935
nagresulta sa pagkakaroon ng isang batas na isinulat ni Noberto Romualdez ng Leyte, ang BatasKomonweltBlg.184.
nagtatag ng Surian ng WikangPambansa
“mag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatan para sa layuning magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika ayon sa balangkas, mekanismo, at panitikan na tinatanggap at sinasalita ng nakararaming Pilipino.”
1935
TAGALOG ang Wikang PAMBANSA ayon sa SURIAN. ang wikang pipiliin ay dapat…
wika ng sentro ng pamahalaan;
wika ng sentro ng edukasyon;
wika ng sentro ng kalakalan; at
wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasusulat sa panitikan.
DISYEMBRE30, 1937
iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang Wikang Tagalog upang maging batayan ng WikangPambansa
Base sa rekomendasyon ng Surian sa bisa ng KautusangTagapagpaganapBlg.134
Magkakabisa ang kautusang ito sa pagkaraan ng dalawang taon.
1940
Makalipas ang dalawang taon na mapagtibay ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134, nagsimula ng ituro ang WikangPambansangTagalog sa paaralang pampubliko at pribado.
1946
Nang ipagkaloob ng mga Amerikano ang ating Kalayaan, sa Araw ng Pagsasarili ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag ding ang mga wikang Opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng BatasKomonweltBlg. 570
AGOSTO 13, 1959
pinalitan ang tawag sa Wikang Pambansa.
Mula Tagalog ito ay naging Pilipino sa bisa ng KautusangPangkagawaranBlg. 7 na ipinalabas ni Jose E. Romero, ang Kalihim ng Edukasyon noon.
1959
wikang ginamit sa mga tanggapan, gusali, at mga dokumentong pampamahalaan tulad ng pasaporte, at iba pa, gayundin sa iba’t ibang antas ng paaralan at sa mass media tulad ng diyaryo, telebisyon, radyo, magasin, at komiks.
1972
nagkaroon muli ng mainitang pagtatalo
Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksiyon 3, Blg. 2:
Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang na magpapaunlad at pormal na magpapatibay sa isang panlahat na wikang pambansang kikilaning FILIPINO.
1987
SALIGANG BATAS NG 1987
pinagtibay ng Komisyong Konstitusyunal na binuo ni dating Pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino.
ARTIKULO XIV, SEKSIYON 6
”Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.”
1987
Nagbigay ng lubos na suporta si dating Pangulong Corazon Aquino sa paggamit ng Filipino sa pamahalaan sa pamamagitan ng AtasTagapagpaganapBlg. 335, serye ng 1988.
“Ito ay nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, at instrumentality ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya.”
WIKANG PANTURO
KONSTITUSYON NG 1987
ang paggamit sa Filipino bilang Wikang Panturo
ARTIKULO XIV, SEKSIYON 6
“Alinsunod sa tadhana ng batas at sang ayon sa nararapat na maaaring ipasiya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
WIKANG OPISYAL
Ang isang wika na binigyan ng natatanging pagkilala sa konstitusyon bilang wikang gagamitin sa mga opisyal na transaksiyon ng pamahalaan
FILIPINO
Gagamitin ang Filipino bilang Opisyal na wika sa pag-takda ng mga batas at mga dokumento ng pamahalaan.
gagamitin sa mga talakay at diskurso sa loob ng bansa
LINGUAFRANCA
Ginagamit ang Opisyal na Wikang Filipino kapag may dalawang tao na mamamayang Pilipinas ang hindi nagkakaunawaan dahil magkaiba ang dayalekto.
INGLES
pakikipag-usap sa mga banyagang nasa Pilipinas at sa pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang bansa sa daigdig
LINGUAFRANCA
ginagamit ng mga tao mula sa iba’t ibang bansa para mag-usap at magkaunawaan.
BILINGGUWALISMO
Tumutukoy sa dalawang wika.
Maituturing na bilingguwal ang isang tao kapag nakapagsasalita siya ng dalawang wika nang pantay na kahusayan.
LEONARDBLOOMFIELD (1935)
isang Amerikanong lingguwista, ang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wikang tila ba ang dalawang ito ang kanyang katutubong wika.
Ang pagpapakahulugan niya ay mai-kakategorya sa tawag na “perpektongbilingguwal”
JOHN MACNAMARA (1967)
isa ring lingguwista, na nagsabing ang isang taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na makrongkasanayan sa isa pang wika maliban sa kanyang unangwika
URIELWEINRICH (1935)
isang lingguwistang PolishAmerican, na nagsasabing ang paggamit ng dalawang wika nang magkasalitan ay matatawag na bilingguwalismo at ang taong gagamit ng mga wikang ito ay bilingguwal.
MULTILINGGUWALISMO
Tumutukoy sa kakayahan ng isang indibidwal na makapagsalita at makaunawa ng iba’tibangwika.