Gamit ng Wika

Cards (6)

  • REGULATORYO
    Ang rigulatoryong bisa ng wika ay nagtatakda, nagkokontrol, gumagabay, nagbibigay-direksiyon. Halimbawa: • PASALITA – panuto, direksiyon, paalala • PASULAT – recipe
  • INTERAKSIYONAL
    Tungkulin nitong tulungan ang tagapagsalita na makipag-ugnayan at bumuo ng sosyal na relasyon sa ating pamilya, kaibigan, o kakilala. Dito rin papasok ang salitang: Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang (dahil ang interaksiyonal ay pakikipag-usap sa isa o higit pang tao o interpersonal na komunikasyon). Halimbawa: • PASALITA – pormularyong panlipunan, pangungumusta, pagbibiro • PASULAT – liham-pangkaibigan
  • PERSONAL
    Pagpapahayag ng sariling opinyon, pananaw o kuro-kuro. Dito rin makikita ang gamit ng wika bilang lunsaran sa pagsulat ng mga malikhaing sanaysay (ang sanaysay umano ayon kay Alejandro G. Abadilla ay “nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay”) sanaysay gaya ng biograpiya, awtobiograpiya, alaala, blog, at personal na sanaysay. Halimbawa: • PASALITA – pormal o di-pormal na talakayan • PASULAT – editoryal, liham sa patnugot, talaarawan, o dyornal
  • IMAHINATIBO
    Ginagamit ang wika sa paglikha, pagtuklas, at pag-aliw. Imahinatibo ang gamit ng wika kapag ginagamit ito sa pagpapahayag sa malikhaing pamamaraan.
    Halimbawa: • PASALITA – pagsasalaysay, paglalarawan
    • PASULAT – anumang akdang pampanitikan
  • HEURISTIKO
    Ang gamit na ito ay tumutukoy sa pagkuha o paghahanap ng impormasyon na may kinalaman sa paksang pinag-aaralan (akademik at/o propesyunal).
    Halimbawa: • PASALITA– pagtatanong, pakikipanayam, pagbasa ng
    pahayagan at mga aklat, pakikinig sa radyo, panonood sa
    telebisyon
    • PASULAT – pananaliksik, sarbey
  • IMPORMATIBO
    Kabaligtaran ito ng heuristiko. Ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita. Halimbawa: • Pagbibigay-ulat, panayam, pagtuturo