Buod

Cards (19)

  • Ano ang ibig sabihin ng "Lagom" sa konteksto ng pagsulat?
    Ang Lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersiyon ng isang salutin o akda.
  • Ano ang layunin ng pagsulat ng Lagom?
    Nahuhubog ang kasanayang maunawaan at makuha ang pinakanilalaman ng isang teksto.
  • Ano ang mga hakbang sa pagsasagawa ng Paglalagom?
    1. Natutunan ang pagtitimbang-timbang ng mga kaisipang nakapaloob sa binabasa.
    2. Natutunan niyang magsuri ng nilalaman ng kanyang binabasa.
    3. Nahuhubog ang kasanayan ng mag-aaral sa pagsulat.
    4. Nakatutulong sa pagpapaunlad ng bokabularyo.
  • Ano ang mga uri ng Lagom o Buod?
    Abstrak, Sintesis o buod, at Bionote.
  • Ano ang Abstrak sa konteksto ng pagsulat?

    Isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel.
  • Ano ang kahulugan ng ABSTRAK?
    ABSTRAK ay nangangahulugang buod ng isang sulatin.
  • Ano ang kahalagahan ng Abstrak?
    1. Natutulungan ang mananaliksik na mapaunlad ang isang paksa.
    2. Nakakatulong ito sa mananaliksik na makita kung ang isang akda ay makatulong sa kanyang isinusulat.
  • Ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng Abstrak?

    1. Lahat ng detalye o kaisipang ilalagay ay dapat makikita sa kabuuan ng papel.
    2. Iwasan ang paglalagay ng mga statistical figures o table.
    3. Gumamit ng mga simple, malinaw, at direktang pangungusap.
    4. Maging obhetibo sa pagsulat.
    5. Gawin itong maikli ngunit komprehensibo.
  • Ano ang mga hakbang sa pagsulat ng Abstrak?
    1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin.
    2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan ng bawat bahagi.
    3. Buuin gamit ang mga talata.
    4. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graph, table, at iba pa.
    5. Basahing muli ang ginawang abstrak.
    6. Isulat ang pinal na sipi nito.
  • Ano ang Sinopsis o Buod?

    Isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo.
  • Ano ang layunin ng Sinopsis?
    Nangangahulugang pinagsasama-sama ang iba’t ibang ideya na may magkakatulad at magkakaibang punto-de bista.
  • Bakit mahalaga ang Sintesis o Buod?
    1. Upang higit maunawaan ang kahulugan ng binasa o pinakinggang panayam.
    2. Higit na nagiging organisado ang pagkakaunawa ng isang sulatin.
  • Ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng Sinopsis o Buod?

    1. Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat.
    2. Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na isip.
    3. Kailangang mailahad ang mga pangunahing tauhan at kanilang mga gampanin.
    4. Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay sa paghabi ng mga pangyayari.
    5. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay, at mga bantas.
    6. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit.
  • Ano ang mga hakbang sa pagsulat ng Sinopsis/Buod?
    1. Basahin ang buong seleksyon o akda at unawain mabuti.
    2. Suriin at hanapin ang pangunahing at di pangunahing kaisipan.
    3. Magtala at kung maaari ay magbalangkas habang nagbabasa.
    4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinyon.
    5. Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal.
    6. Basahin ang unang ginawa, suriin, at kung mapaikli pa ito nang hindi mababawasan ang kaisipan.
  • Ano ang Bionote?

    Isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.
  • Ano ang nilalaman ng Bionote?
    • Pinaikling buod ng mga tagumpay, kakayahan, edukasyong natamo, publikasyon, at mga pagsasanay ng may-akda.
    • Madalas itong makikita sa mga journal, aklat, at mga sulating papel.
  • Ano ang mga pagkakataon kung kailan hinihiling ang Bionote?
    1. Pagpapasa ng artikulo o pananaliksik sa dyornal o antolohiya.
    2. Pagpapasa ng aplikasyon sa palihan o workshop.
    3. Pagpapakilala ng sarili sa website o sa isang blog.
    4. Panimulang pagpapakilala ng aplikante sa isang posisyon o scholarship.
    5. Tala ng emcee upang ipakilala ang isang tagapagsalita.
    6. Bilang maikling impormasyon upang magsilbing gabay sa mga mananaliksik.
  • Ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng Bionote?
    1. Sikaping maisulat lamang ito nang maikli.
    2. Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon.
    3. Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan.
    4. Gawing simple ang pagkakasulat nito.
    5. Basahin muli at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote.
  • Ano ang dalawang uri ng Tala sa may-akda?

    1. Maikling Tala para sa dyornal at antolohiya - dapat ay maikli ngunit siksik sa impormasyon.
    2. Mahabang Tala sa may-akda - isinusulat bilang prosang bersiyon ng isang curriculum vitae.