Pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa pormalidad, bigkas, tono, uri, anyo ng salita atbp.
BARAYTI NG WIKA:
dayalek
sosyolek
idyolek
etnolek
ekolek
pidgin
creole
jargon
register
DAYALEK
ginagamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na tinitirhan.
SOSYOLEK
pansamantalang barayti lamang, minsan ay tinatawag din itong “sosyalek”.
ginagamit ng isang partikular na grupo.
”wika ng mga beki” o gay lingo
“coñotic o conyospeak” o Taglish
“Jologs o jejemon o jejespeak”
SOSYOLEK
Wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika
IDYOLEK
identity o pagkakakilanlan ng isang indibidwal.
personal na paggamit ng salita ng isang indibidwal.
Bawat indibidwal ay may istilo sa pamamahayag at pananalita.
ETNOLEK
nadedebelop mula sa salita ng mga etnolingguwestikong grupo
Taglay nito ang mga wikang naging bahagi nang pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko.
EKOLEK
Nalilikha sa tahanan.
kadalasang nagmumula sa mga bibig ng bata at matanda.
PIDGIN
Tinatawag sa Ingles na nobody’s native language. o katutubong wikang di pag-aari ninuman.
Wala itong pormal na estruktura at tinawag ding “lengwahe ng wala ninuman”.
Ginagamit ito sa mga tao na nasa ibanglugar o bansa.
CREOLE
pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa naging personal na wika.
pinaghalong salita ng:
Tagalog at Espanyol (Chavacano),
African at Espanyol (Palenquero),
Portuguese at Espanyol (Annobonese)
JARGON
Bokabularyo na nagpapakilala sa trabaho, larangan o gawain
JARGON
Lupon ng mga salita na karaniwang naririnig sa isang eksklusibong grupo, nauunawaan ng mga bahagi sa larangan ng grupo.
REGISTER
naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap.
Salita o termino na nagkakaroon ng iba’t ibang kahulugan ayon sa larangan o paggamit nito.
REGISTER
Pormal ang tono ng pananalita kung ang kausap niya ay isang taong may mas mataas ng katungkulan o kapangyarihan, nakatatanda, o hindi niya masyadong kilala.
DiPormal ang tono ng pananalita kapag ang kausap ay mga kaibigan, malalapit na kapamilya, mga kaklase, o mga kasing edad at ang matagal nang kakilala.