PILING LARANGAN 2

Cards (119)

  • Ano ang kakanyahang kinakailangan sa akademikong pagsulat?
    Kinakailangan ng sapat o mataas na kasanayan sa pagbuo nito.
  • Ano ang pangunahing layunin ng akademikong pagsulat?
    Ang makapaglahad ng tamang impormasyon.
  • Ano ang nakasalalay sa kritikal na pagbabasa ayon kay Arrogante (2007)?

    Ang pagbuo ng akademikong pagsulat.
  • Ano ang mga katangian ng isang manunulat sa akademikong pagsulat?
    • Mahusay mangalap ng impormasyon
    • Kritikal na nagsusuri
    • Magaling mag-organisa ng mga ideya
    • Lohikal
  • Ano ang dapat iwasan sa akademikong pagsulat ayon sa pormal na katangian nito?
    Ang paggamit ng mabubulaklak na pananalita.
  • Ano ang ilan pang katangian ng akademikong pagsulat?
    • Malinaw at tiyak ang ideya
    • Tiyak ang tunguhin
    • May paninindigan ang mga sipi at tala
    • May pananagutan sa mga mambabasa
  • Ano ang mga makrong kasanayang dapat taglayin ng isang mag-aaral bukod sa pagsulat?
    • Pakikinig
    • Pagsasalita
    • Pagbabasa
    • Panonood
  • Ano ang pangunahing kasanayan na natututuhan at pinauunlad sa paaralan ayon kina Villanueva at Bandril (2007)?
    Ang pagsulat.
  • Ano ang mga katangian sa paraan ng paggawa ng akademikong pagsulat?

    • Komprehensibong Paksa
    • Angkop na Layunin
    • Gabay sa Balangkas
    • Halaga ng Datos
    • Epektibong Pagsusuri
    • Tugon ng Kongklusyon
  • Ano ang mga yugto sa pagbuo ng akademikong pagsulat?
    1. Bago sumulat
    2. Pagbuo ng Unang Borador
    3. Pagwawasto (Editing) at Pagrerebisa
    4. Huli o Pinal na Sulatin
    5. Paglalathala o Pagpapalimbag
  • Ano ang nangyayari sa yugtong "Bago sumulat" sa pagbuo ng akademikong pagsulat?
    Nagaganap ang integrasyon ng paunang kaalaman at bagong kaalaman.
  • Ano ang layunin sa yugtong "Pagbuo ng Unang Borador"?
    Matiyagang iniisa-isa ng manunulat ang mga konsepto na maaaring maging laman ng akademikong sulatin.
  • Ano ang ginagawa sa yugtong "Pagwawasto (Editing) at Pagrerebisa"?
    Inaayos ang unang borador at iniiwasto ang mga mali tulad ng baybay, bantas, at nilalaman.
  • Ano ang makikita sa yugtong "Huli o Pinal na Sulatin"?
    Mababakas ang inaasahang kahusayan at kakinisan ng binubuong akademikong sulatin.
  • Ano ang nangyayari sa yugtong "Paglalathala o Pagpapalimbag"?

    Maibabahagi sa mas maraming mambabasa ang impormasyong nais ipabatid.
  • Ano ang mga dahilan at layunin sa pagsulat ng akademikong sulatin?
    • Kakayahan sa Kritikal na Pag-iisip
    • Pagpapalawak at Pagpapalalim ng Kaalaman
    • Kakayahang Propesyonal
    • Kasasanayan sa Saliksik
  • Ano ang hindi natatapos ng manunulat sa pagsasakatuparan ng akademikong sulatin?
    Ang hayag na paglalahad lamang ng mga kaalaman.
  • Ano ang nagagawa ng isang indibidwal sa iba’t ibang yugto at antas ng pag-aaral?
    Nagagawang matutuhan ang iba’t ibang konsepto at/o mga teoryang kinakailangan sa isang larangan.
  • Ano ang kahingian sa pagtutupad ng akademikong sulatin ayon sa kasanayan sa saliksik?

    Ang taglay nitong kaalaman na hindi lamang sumasandig sa iisang batis o batayan.
  • Ano ang layunin ng malikhaing pagsulat?
    • Magbigay ng kasiyahan
    • Mapukaw ang damdamin
    • Maantig ang hiraya at isipan ng mambabasa
    • Karaniwang bunga ng mapaglarong isipan ng manunulat
  • Ano ang mga halimbawa ng maikling pagsulat?
    • Maikling kuwento
    • Nobela
    • Tula
    • Pabula
    • Parabula
  • Ano ang saklaw ng teknikal na sulatin ayon kay Dupuis (2018)?

    Kinabibilangan ng lahat ng mga dokumentasyong may teknikal na proseso.
  • Ano ang mga katangian ng propesyonal na pagsulat?

    • May kinalaman sa isang tiyak na larangang pang-akademya
    • Nagbibigay-tuon sa mga sulating may kabuluhan sa isang tiyak na propesyon
  • Ano ang halimbawa ng propesyonal na sulatin?
    Lesson plan para sa mga guro.
  • Ano ang mga katangian ng jornalistik na pagsulat?
    • May kaugnayan sa pamamahayag
    • Kasanayan sa pangangalap ng impormasyon
    • Pagiging obhetibo
    • Paningin sa mga makabuluhang isyu
  • Ano ang mga halimbawa ng jornalistik na pagsulat?
    • Balita
    • Editoryal
    • Lathalain
    • Isports
  • Ano ang layunin ng reperensiyal na pagsulat?
    Bigyang-pagkilala ang mga pinagkunan ng impormasyon upang maging patunay at mapagkatiwalaan ang isang akademikong sulatin.
  • Ano ang sinasabi nina Mabilin et al. (2012) tungkol sa lahat ng uri ng pagsulat?
    Ang lahat ng uri ng pagsulat ay maituturing na bunga lamang ng akademikong pagsulat.
  • Ano ang sinasabi nina Castillo et al. (2008) tungkol sa malikhaing pagsulat?
    Ang malikhaing pagsulat ay isang natatanging uri ng pagsulat na kailangan ng mahusay na diwa at paksa.
  • Ano ang mga katangian ng malikhaing pagsulat?
    • Malikhaing Pagpapahayag
    • Aestetikong Anyo
    • Pandaigdigang Kaisipan
    • Kawalang-maliw
  • Ano ang tawag sa mga idyoma sa ating wika?
    Idyomatikong pahayag o sawikain.
  • Ano ang pangunahing kasangkapan sa malikhaing pagsulat?

    Ang imahinasyon mismo ng manunulat.
  • Ano ang mga layunin ng malikhaing pagsulat?
    • Mabigyang-halaga ang sining
    • Makalikha ng sariling output
    • Magamit at mapalakas ang wikang Filipino
    • Mapayaman ang malikhaing pag-iisip at pagpapahayag
    • Mahubog ang mapanuring pag-iisip ng mga mag-aaral
    • Mapalalim ang kamalayan at pang-unawa ng mga mag-aaral sa pandaigdigang karanasan
  • Ano ang mga uri ng malikhaing pagsulat?
    • Di-Kathang-isip
    • Kathang-isip
  • Ano ang mga halimbawa ng Di-Kathang-isip na malikhaing pagsulat?
    • Talambuhay
    • Personal na Naratibo
    • Maikling Kuwento
    • Sanaysay
  • Ano ang mga halimbawa ng Kathang-isip na malikhaing pagsulat?
    • Nobela
    • Nobelita
    • Dagli
    • Pabula
    • Dula
  • Ano ang mga katangian ng Dula?
    • May tiyak at sariling estrukturang sinusunod
    • Maaaring mahati pa sa ilang yugto ang mga pangyayari
  • Ano ang mga katangian ng Panulaan?
    • Nagtatampok ng malayang paggamit sa wika
    • Mayaman sa mga tayutay
    • May pattern
  • Ano ang mga halimbawa ng Panulaan?
    • Maikli
    • Liriko o Pandamdamin
    • Soneto
    • Pasalaysay
  • Ano ang layunin ng Patnigan?
    Itinatanghal ito ng magkatunggaling makata na nagpapaligsahan ng katwiran at nagtatagisan ng talas sa pagtalos ng paksa.