Quarter 4

Subdecks (1)

Cards (44)

  • Ano ang mga tawag kay Francisco Balagtas Baltazar?
    "Kiko", "Prinsipe ng Makatang Tagalog", "William Shakespeare ng Pilipinas", at "Ama ng Balagtasan"
  • Kailan at saan isinilang si Francisco Balagtas?
    Noong Abril 2, 1788 sa Panginay Bigaa (Balagtas) Bulacan
  • Sino ang mga magulang ni Kiko?
    Juana dela Cruz at Juan Baltazar
  • Sino ang mga kapatid ni Kiko?
    Concha, Felipe, at Nicolasa
  • Ilang taon si Kiko nang siya'y lumuwas sa Tondo at ano ang ginawa niya doon?
    Siya ay 11 taong gulang at siya ay namasukan bilang utusan kay Donya Trinidad
  • Saan nag-aral ng kolehiyo si Kiko?
    1. Colegio de San Jose kung saan nag-aral siya ng Gramatika, Latin, Kastila, Doctrina Christiana, at Batas sa Canones
    2. Colegio de San Juan de Letran kung saan naging guro niya si Padre Mariano Pilapil (Pasyong Mahal). Siya ay nag-aral ng Teolohiya, Humanidades, at Pilosopiya.
  • Sino ang mentor ni Kiko pagdating sa pagsulat?
    Si Jose dela Cruz (Huseng Sisiw)
  • Sino ang first love ni Kiko?
    Si Magdalena Ana Ramos (M.A.R.)
  • Kailan nakilala ni Kiko si M.A.R.?
    Noong 1835 sa Pandacan
  • Sino ang naging katunggali ni Kiko sa pag-ibig ni Selya?
    Si Mariano "Nanong" Capule
  • Kailan sinulat ni Kiko ang Florante at Laura?
    Noong 1838 sa loob ng kulungan
  • Saan nanirahan si Kiko pagkatapos niyang makalaya?
    Sa Udyong, Bataan
  • Kailan niya nakilala ang magiging asawa niya?
    Noong 1840 niya nakilala si Juana Tiambeng
  • Bakit nakulong ulit si Kiko?
    Dahil sa bintang na pagputol ng buhok sa isang babaeng utusan ni Alperes Lucas noong 1860
  • Ano ang pangalan ng mga anak nina Kiko at Juana?
    Victor, Isabel, Silveria, at Ceferino
  • Kailan namatay si Kiko?
    Noong Pebrero 20, 1862 Age: 74
  • Paano naitago ni Kiko ang mga mensahe ng kaniyang tula?
    Alegorya, simbolismo, at ang hidwaan ng mga Moro at Kristiyano
  • Ano ang apat na himagsik ni Francisco na nakapaloob sa Florante at Laura?
    1. Malupit na pamahalaan
    2. Hidwaang pananampalataya
    3. Maling kaugalian
    4. Mababang uri ng panitikan
  • Ano ang sensura?
    Pagbabawal sa mga likhang tumutuligsa sa mga Espanyol.
  • Ilang pantig meron ang awit at korido?
    Ang awit ay may 12, habang ang korido ay may 8
  • Ano ang bilis ng awit at korido?
    Ang awit ay andante, habang ang korido ay allegro
  • Tungkol saan ang awit at korido?
    Ang awit ay tungkol sa mga bayani, alamat, at mandirigma. Habang ang korido ay sa pananampalataya at kababalaghan.
  • Ano ang isa sa pinakamahalagang awit/korido noong ika-19 na siglo?
    Fray Toribio Minguella
  • Ano ang bilin ni Kiko sa babasa ng Florante at Laura?
    Pwedeng baguhin ang tono basta huwag ibahin ang berso.
  • Ano ang pagtutulad o simile?
    Uri ng paghahambing na gumagamit ng mga signal words.
  • Ano ang pagwawangis o metaphor?
    Paghahambing kung saan ang inihahambing ay ikinakabit sa katangian ng pinaghahambingan.
  • Ano ang pagsasatao o personification?
    Ang katangian ng tao ay ipinapaloob sa isang bagay.
  • Ano ang pagtawag o apostrope?
    Pagtawag o pagkausap sa isang tao o bagay na walang buhay.