Quarter 1

Cards (38)

  • Ang mga _______ ay isang sangay ng panitikan na nagpapahayag ng mga kaisipan at paniniwala?
    Karunungang-bayan
  • Ang karunungang-bayan ay sumasalamin sa iba't-ibang karanasan ng mga tao na nasa iisang ______?
    kultura
  • Ang ______ ay isang maikli ngunit makabuluhang pahayag na karaniwang may matulaing katangian at naglalaman ng aral?
    salawikain
  • Ang ______ ay iba sa salawikain sa dahilang ito’y hindi gumagamit ng mga talinghaga. Payak ang kahulugan ng _______?
    kasabihan
  • Ang _______ ay mga salitang patayutay o idyomatiko na ginagamit upang maging maganda ang paraan ng pagpapahayag?
    sawikain
  • Ang ______ ay isang uri ng palaisipang nasa anyong patula. Ang mga
    bugtong ay kadalasang kaisipang patungkol sa pag-uugali?
    bugtong
  • Ang mga __________ _____ ay mga pahayag na gumagamit ng mga salita na hindi tuwirang inihahayag ang tunay na kahulugan nito?
    matalinghagang pahayag
  • Ang paggamit ng magagandang pahayag ay naglalayong pahalagahan ang damdamin ng iba?
    eupemismo
  • Isinusulat ang salawikain na may?
    ~ Matatalinghagang salita
    ~ Kapupulutan ng aral
    ~ Nakatagong kahulugan
  • Isinusulat ang kasabihan na may?
    ~ Tuwiran na pagpapahayag
    ~ Payak na kahulugan
    ~ Nagtuturo ng wastong kilos at gawi
  • Ang __________ ay isang paraan ng paglalarawan ng dalawa o higit pang katangian o kalagayan.
    paghahambing
  • Ang paghahambing na _____ ay ginagamit kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas o pantay na katangian.
    magkatulad
  • Sing- ay ginagamit kapag?
    nagtatapos sa a, e, i, o, u, k, g, h, n, w, at y ang salita
  • Sim- ay ginagamit sa?
    mga salitang nagtatapos sa b at p
  • Sin- ay ginagamit sa?
    mga salitang nagtatapos sa d, l, r, s, at t
  • ______ ang pang-uri kung ang inihahambing ay may mas maliit o mas mababang katangian.
    pasahol
  • Saan ginagamit ang "di-gasino"?
    sa mga tao
  • Saan ginagamit ang "di-gaano"?
    sa mga bagay
  • Ginagamit ang pahambing na _____ kung ang ikinukumpara ay
    may mas mataas o nakahihigit na katangian.
    palamang
  • Ang ___-___ sa akda ay prosesong pangkaisipan sa anumang
    babasahing mga teksto na maaaring maiuugnay sa sariling karanasan ang mga impormasyong nilalaman nito upang mabigyang kahulugan.
    pag-unawa
  • Ang layunin ay?
    Tumutukoy sa tunguhin, pakay o hangarin.
  • Ang _______ ay ang nabubuo sa isip ng sinuman tungkol sa anumang bagay, batay sa sariling kuro-kuro at palagay.
    hinuha
  • Ano ang mga teknik sa pagpapalawak ng paksa?
    Pagbibigay-katuturan o depinisyon, paghahawig o pagtutulad, at pagsusuri
  • Ano ang pagbibigay depinisyon?
    Kinakailangang bigyan ng katuturan o depinisyon ang mga salitang hindi agad-agad maintindihan.
  • Ano ang paghahawig o pagtutulad?
    Sa paghahambing ay naipapakita ang tiyak na katangian ng mga bagay na magkakatulad.
  • Ano ang pagsusuri?
    Ipinapaliwanag nito hindi lamang ang bahagi ng kabuoan ng isang bagay kundi pati na rin ang kaugnayan ng mga bahaging ito sa isa’t isa.
  • Ang ____ ay isang maikling kathang binuo ng mga pangungusap na
    magkakaugnay, may balangkas, may layunin, at may pag-unlad.
    talata
  • Ang nakasaad sa pinakapaksang pangungusap ay maaaring ____ o ______?
    lantad o di lantad
  • Ang ______ ang nasa unahan ng isang komposisyon.
    panimula
  • Ano ang mga uri ng talatang panimula?
    nagpapaliwanag, naglalahad, naglalarawan, at nagsasalaysay
  • ___ naman ang nasa gitnang bahagi ng isang komposisyon. Ito ay
    may tungkuling paunlarin o palawakin ang pangunahing paksa. Binubuo ito ng mga sumusuportang ideya
    gitna
  • Ang kadalasang pangwakas ng isang komposisiyon. Dito
    nakasaad ang mahahalagang kaisipang nabanggit sa gitnang talata?
    wakas
  • Ano ang mga uri ng talatang pangwakas?
    patanong, konklusyon, pagbubuod, at paghahamon
  • Tinatawag na _____ ang pinagmulan ng isang pangyayari?
    sanhi
  • Tinatawag na ____ ang kinalabasan, resulta, o dulot ng isang naunang pangyayari?
    bunga
  • Ang _____ o pananaw ay pahayag na nagpapakita ng preperensiya o ideya batay sa personal na paniniwala ng isang tao?
    opinyon
  • Ano ang pananaliksik?
    sistematikong pagsusuri o pagsisiyasat ng isang paksa
  • Ano ang mga hakbang sa pananaliksik?
    ~ Pagpili ng paksa
    ~ Paglalahad ng layunin
    ~ Paghahanda ng pansamantalang talasanggunian o Bibliography
    ~ Paghahanda ng tentatibong balangkas
    ~ Pangangalap tala o note taking
    ~ Paghahanda ng iwinastong balangkas o final outline
    ~ Pagsulat ng burador o rough draft
    ~ Pagwasto at pagrebisa ng burador
    ~ Pagsulat ng wakas na manuskrito o pananaliksik