Ana paghahambing na magkakatulad -ay isang paraan ng dalawang paksang pinag uusapan naglalahad ng patas o pantay na katangiang taglay ng dalawang paksang pinaguusapan
Paghahambing na dimagkatulad - paghahambing ay isang paraan ng paglalarawan ng tap, bagay, lugar hayop ideya at pangyayari
dalawang uri ng paghahmbing na di magkatulad
-pasahol
-palamang
Pasahol- ginagamit ito kung ang isa sa pinaghahambing ay may mas maliit o may mas mababang antas ng katangian
palamang - ginagamit ito kung ang isa sa pinaghahambing ay may katangiang mas mataas o higit na antas
2 uri ng tula
malayang taludturan
tradisyon
malayangtaludturan- ang anyong ito ng tula ay hindi sumusunod sa patakaraan ng sukat at tugma ngunit pinanatili ang kariktan at paggamit ng matatalinghagang pahayag
Alegandro G Abadilla isang mahusay na makata na ay nag sulat ng tulang "ako ang daigdig"
Tradisyunsal- anyong nakagisnam sa panulaang pilipino gumagamit ito sa sumusunod nang mahigpit sa tuntunin ng sukat,tugma, at paggamit ng mga pahiwatig at matatangingnagang pananalita
Elemento ng tula
sukat
tugma
sining o kariktan
talinghaga
Sukat - tumutukoy ito sa bilang ng mga pantig sa bawat taludtod o ang bawat linya ng tula.
Tugma - tumutukoy ito sa pagkakasintunungan ng huling pantig ng huling salita sa bawat taludtod ng isang saknong
sining o kariktan - tumutukoy ito sa paggamit ng pili, angkop, at maririkit na salita
Talinhaga - tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinghangang pananalita at mga tayutay upang higit na maging masining ang tula