Tekstong Argumentatibo

Cards (18)

  • Ano ang teksto ng argumentatibo?
    Isang uri ng teksto na nangangailangan ng manunulat na ipagtanggol ang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin.
  • Ano ang layunin ng tekstong argumentatibo?
    Ipagtanggol ang posisyon ng manunulat sa isang tiyak na paksa gamit ang mga ebidensiya.
  • Anong mga ebidensiya ang maaaring gamitin sa tekstong argumentatibo?

    Personal na karanasan, kaugnay na literatura at pag-aaral, ebidensiyang kasaysayan, at resulta ng empirikal na pananaliksik.
  • Ano ang tinutukoy ng empirikal na pananaliksik?
    Pangongolekta ng datos sa pamamagitan ng pakikipanayam, sarbey, at eksperimento.
  • Bakit mahalaga ang masusing imbestigasyon sa pagsulat ng tekstong argumento?
    Dahil ito ay nangangailangan ng pangongolekta at ebalwasyon ng mga ebidensiya.
  • Paano dapat ipahayag ang posisyon sa tekstong argumentatibo?
    Sa maikli ngunit malaman na paraan.
  • Ano ang dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa para sa tekstong argumentatibo?
    Ang mga napapanahon at mahahalagang isyu na may bigat at kabuluhan.
  • Ano ang proposisyon sa pangangatuwiran?
    Pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan.
  • Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng malinaw na tesis sa tekstong argumentatibo?
    Dahil ito ay ginagabayan ng lohikal na pangangatuwiran.
  • Ano ang pagkakaiba ng proposisyon at argumento sa tekstong argumentatibo?
    Ang proposisyon ay pahayag na pagtalunan, habang ang argumento ay paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya.
  • Ano ang mga katangian ng mahusay na tekstong argumentatibo?
    • Mahalaga at napapanahong paksa
    • Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis
    • Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi
  • Ano ang dapat na nilalaman ng unang talata ng tekstong argumentatibo?
    Ipinaliliwanag ang konteksto ng paksa at kung bakit mahalaga ito.
  • Paano nakatutulong ang transisyon sa tekstong argumentatibo?
    Upang ibuod ang ideya ng nakaraang bahagi at magbigay ng introduksiyon sa susunod na bahagi.
  • Ano ang epekto ng walang lohikal na pagkakaayos ng kaisipan sa tekstong argumentatibo?

    Hindi makasusunod ang mambabasa sa argumento ng manunulat at hindi magiging epektibo ang teksto.
  • Ano ang dapat na nilalaman ng bawat talata sa tekstong argumentatibo?
    Isang pangkalahatang ideya lamang.
  • Bakit kailangan ng matibay na ebidensiya sa tekstong argumentatibo?
    Dahil ito ay nangangailangan ng detalyado, tumpak, at napapanahong impormasyon mula sa pananaliksik.
  • Ano ang dapat iwasan sa paggamit ng ebidensiya sa tekstong argumentatibo?
    Ang paggamit ng wikang emosyonal at pag-imbento ng ebidensiya.
  • Paano dapat sagutin ang hamon sa kaalaman at pangangatuwiran ng guro o kamag-aaral?
    Nang may paninindigan ngunit mahinahon.