Ang Community-Based Disaster Risk Management ay isang paraan upang ang mga mamamayan ang siyang tutukoy, sususri, tutugon, susubaybay, at tataya sa mga risk na maaari nilang maranasan lalo na ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad. Isa itong paraan upang maiwasan ang malaking pinsala sa buhay at ari-arian at maisabuhay ng mga tao sa isang komunidad ang kahalagahan ng pagiging handa.