AP Q1

Cards (19)

  • Ano ang kahulugan ng salitang "kontemporaryo"?
    Ang kontemporaryo ay nangangahulugang "together with" o pinagsama sa oras.
  • Saan nagmula ang salitang "kontemporaryo"?
    Ang salitang kontemporaryo ay nagmula sa salitang Midyebal Latino na "conteporarius".
  • Ano ang ibig sabihin ng isyu sa konteksto ng kontemporaryong isyu?
    Ang isyu ay nangangahulugang paksa, tema, o suliraning nakaaapekto sa lipunan.
  • Ano ang mga tema na maaaring kaugnayan ng kontemporaryong isyu?

    Ang mga tema ay lipunan, kalusugan, pulitika, relihiyon, ekonomiya, edukasyon, at kapaligiran.
  • Ano ang mga katangian ng isang kontemporaryong isyu?
    Mahahalaga at makabuluhan, may malinaw na epekto sa lipunan, nagaganap sa kasalukuyang panahon, at may positibo at negatibong epekto.
  • Paano nakakaapekto ang kasalukuyang mga pangyayari sa hinaharap?

    Ang mga pangyayari sa kasalukuyan ay makaka-apekto sa mangyayari sa kinabukasan.
  • Ano ang epekto ng pandemya sa kalusugan ng mga tao?
    Ang pandemya ay nagdulot ng bagong "new normal" sa kalusugan ng mga tao.
  • Ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng isang kontemporaryong isyu?
    • Kahulugan: Sino ang maaapektuhan?
    • Pinagmulan: Mapagkakatiwalaan ba ang impormasyon?
    • Perspektibo: Paano nagkakaiba-iba ang pananaw?
    • Pagkakaugnay: Ano ang epekto ng nakaraan sa kasalukuyan?
    • Personal na damdamin: Ano ang maaaring gawin ukol dito?
  • Ano ang Republic Act 9003?
    Ang Republic Act 9003 ay kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
  • Ano ang tinutukoy na solid waste ayon sa Republic Act 9003?
    Ang solid waste ay mga basurang nagmula sa mga tahanan, komersyal na establisimyento, at sektor ng agrikultura.
  • Ano ang layunin ng pagtatayo ng Material Recovery Facility (MRF)?
    Ang layunin ng MRF ay isagawa ang waste segregation bago dalhin ang basura sa dumpsites.
  • Ano ang papel ng Mother Earth Foundation sa solid waste management?
    Ang Mother Earth Foundation ay tumutulong sa pagtatayo ng MRF sa mga barangay.
  • Ano ang Clean and Green Foundation?
    Ang Clean and Green Foundation ay kabahagi ng mga programa tulad ng Orchidarium and Butterfly Pavilion at Trees for Life Philippines.
  • Ano ang layunin ng Bantay Kalikasan?
    Ang Bantay Kalikasan ay gumagamit ng media upang mamulat ang mga mamamayan sa suliraning pangkapaligiran.
  • Ano ang layunin ng Greenpeace?

    Ang Greenpeace ay naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw ng tao sa pagtrato at pangangalaga sa kalikasan.
  • Ano ang illegal logging?
    Ang illegal logging ay ilegal na pagputol sa mga puno sa kagubatan.
  • Ano ang mga epekto ng illegal logging?
    Ang illegal logging ay nagdudulot ng pagbaha, soil erosion, at pagkasira ng tahanan ng mga ibon at hayop.
  • Ano ang epekto ng mabilis na pagtaas ng populasyon sa mga kagubatan?
    Ang mabilis na pagtaas ng populasyon ay nagiging sanhi ng mataas na demand sa mga pangunahing produkto, na nagiging dahilan ng pag-convert ng mga kagubatan.
  • Ano ang fuel wood harvesting?
    Ang fuel wood harvesting ay paggamit ng puno bilang panggatong, halimbawa ay ang paggawa ng uling mula sa puno.