Napakahina ng paggalaw ng mga plates na ito at umaabot lamang sa 5 sentimetro (2 pulgada) bawat taon. Gayunpaman, ang paggalaw at ang paguumpugan ng mga ito ay napakalakas at nagiging sanhi ng mga paglindol, pagputok ng mga bulkan, at pagbuo ng mga kabundukan tulad ng Himalayas. Ito rin ang makapagsasabi kung bakit sa loob ng milyon-milyong taon, ang posisyon ng mga kontinente sa daigdig ay nag-iiba-iba sa paglipas ng panahon.