Ang sinaunang kabihasnan ng India ay nasa bahagi ng kasalukuyang mga bansa ng India, Pakistan at Bangladesh. Noong 2500 B.C.E nanirahan ang pangkat ng tao sa lambak-ilog ng Indus. Pinaniniwalaang ang pangkat na ito ay ang mga Dravidians. Ang mga Dravidians ang kauna-unahang nakabuo ng sibilisasyon
sa India. Nakontrol nila ang pagbaha sa ilog Indus sa
pamamagitan ng pagtatayo ng mga dike at dams.
Ang mga Aryan ay nagmula sa Gitnang Asya at nakarating sa India. Sa pagdating ng mga Aryan nabago ang kultura ng kabihasnang Indus. Gumamit ang mga Aryan ng wikang Sanskrit. Ang kanilang panitikan at awit ay nakasulat sa kanilang sagradong aklat na tinawag na Vedas.
Sino ang pumalit na hari matapos paslangin ang huling hari ng dinastiyang Shang?