Wika - Ito ang kabuuan ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog na binibigkas o sinasalita at ng mga simbolong sinusulat.
Ang wika at kultura ay hindi mapaghihiwalay dahil hindi maipapasa ang tradisyon o kultura kung walang wika.
Mga Kahalagahan ng Wika
1. Nakatutulong sa pagpapanatili, pagpapayabong, at pagpapalaganap ng kultura ng bawat grupo ng tao.
2. Ito ang nagsisilbing tagapag- ingat at tagapaglaganap ng mga karunungan at kaalaman.
3. Ang pagkakaroon ng wika ay nagreresulta sa isang maunlad at masiglang sangkatauhan na bukas sa pakikipagkasunduan sa isa't isa.
LinguaFranca - Ang wikang ginagamit sa komunikasyon ng dalawang taong may magkaibang wika.
Filipino - Ito ang itinuturing na lingua franca sa Pilipinas.
Ingles - Ito ang itinuturing na lingua franca ng daigdig.
Mga Kalikasan ng Wika
Angwika ay maysistemangbalangkas.
Ang wika ay arbitraryo.
Ginagamit ang wika ng pangkatngmgataongkabilangsaisangkultura.
Natatangi ang wika.
Kasamarinsamgakatangianngwikaangpagigingbuhay o dinamikonito.
arbitaryo - malaya, kaswal, madaling intindihin
Bilingguwalismo -Ito ay tumutukoy sa pagiging maalam sa dalawang wika.
Multilinggualismo - Ito ay tumutukoy sa pantay na kahusayan sa paggamit ng maraming wika ng isang tao o ng grupo ng tao.
UnangWika - Tinatawag ding "wikang sinuso sa ina" o "inang wika" dahil ito ang kauna-unahang wikang natutuhan salitain at unawain ng isang bata.
Ikalawangwika - Itituturing ito bilang "wikang hindi taal" o hindi katutubo sa isang tao.
WikangPambansa - Sa unang bahagi ng Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Konstitusyon ng 1987, nakasaan na, "Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
WikangPanturo - Sa ikalawang bahagi ng Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Konstitusyon ng 1987, "...ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon."
Opisyalnawika - Tinatawag na opisyal na wika ang isang wika na binigyan ng natatanging pagkilala sa konstitusyon bilang wikang gagamitin sa mga opisyal na transaksyon ng pamahalaan.
HomogenousnaWika - Kung ang taong gumagamit nito ay may iisang bigkas sa mga salita, pare-pareho ang tono at intonasyon sa pagsasalita, at iisa ang pagpapakahulugan sa mga salitang ginagamit.
HeterogenousnaWika - Kung ang wika ay may varayti at pagkakaiba-iba ang bawat wika.