Ano ang sinasabi tungkol sa dignidad ng bawat nilalang?
Bawat isang nilalang ay may taglay na dignidad anuman ang pisikal na kaanyuan, mental na kakayahan, materyal na kayamanan, antas ng pinag-aralan o pangkat na kinabibilangan.
Ang reputasyon ay nakabatay sa kalagayan mo bilang tao ayon sa pagtingin ng iba, habang ang dignidad ay hindi maaring mapataas o mapababa dahil sa aksiyon o kilos.
Ang dignidad ay hindi maaring mapataas o mapababa dahilan lamang sa aksiyon o kilos, kasarian, lahing pinagmulan, relihiyon, edukasyon o kalagayan sa buhay.