1st Periodicals

Cards (9)

  • Memoir - kalipunan ng mga pagsasalaysay ng mga kuwento o pinagdaanan sa buhay.

    Mga Uri ng Memoir
    1. Transformation - isusulat pagkatapos ang malaking hamon sa buhay, nabigo o nagtagumpay
    2. Confessional - ibabahagi ng manunulat ang sikreto sa kaniyang sarili o maaari ng kaniyang pamilya
    3. Professional/Celebrity - sinasaklaw nito ang mahalagang bahagi sa buhay at paano niya nakamit ang kasikatan at tagumpay
    4. Travel - isinasalaysay rito ang mga napuntahang lugar ng manunulat
  • Ellipis - pagtitipid sa pagpapahayag

    Idyoma - pananalita na natatangi sa isang wika at hindi agad nakikita ang kahulugan sa gramatikal na konstruksiyon nito
  • Mga Halimbawa ng Idyoma
    1. durog na puso - napakalungkot
    2. mahabang dulang - kasalan
    3. lumalaki ang ulo - nagiging mayabang
    4. matigas ang puso - ayaw magpatawad
    5. nagkurus ang landas - nagtagpo muli pagkatapos ng mahabang panahon
    6. kapilas ng buhay - asawa
    7. balat-sibuyas - maramdamin
    8. alog na ang baba - matanda
    9. nagbibilang ng poste - walang trabaho
    10. hindi mahulugang karayom - maraming tao
  • Bugtong - panitikang nilulutas bilang palaisipan dahil sa mga nakatago nitong kahulugan.

    Mga Halimbawa
    1. May balbas ngunit walang mukha. (mais)
    2. Kinatog ko ang bangka, nagsilapit ang mga isda. (kampana)
    3. Tag-ulan o tag-araw, hanggang tuhod ang salawal. (manok)
    4. Hinila ko ang tadyang, lumapad ang tiyan. (payong)
    5. Palda ni Santa Maria, ang kulay ay iba-iba. (bahaghari)
  • Tanaga - sinaunang anyo ng maikling tulang Tagalog na may sukat na pitong pantig ang bawat taludtod

    Salawikain - patalinhagang pahayag o hindi literal na uunawain ang sinasabi ng pahayag.
  • Mga Halimbawa ng Salawikain
  • Kasabihan - anumang salita, parirala, o pangungusap na naglalaman ng isang aral, karunungan, o katotohanan na tinanggap ng madla upang gawing batayan o huwaran sa buhay.

    Mga Halimbawa
    1. Kung ayaw mong maghirap, ikaw ay magsikap.
    2. Anuman ang gagawin, makapitong isipin.
    3. Ang taong walang tiyaga, walang yamang mapapala.
    4. Titingkad ang iyong kagandahan kung maganda rin ang iyong kalooban.
    5. Ang talagang matapang, nag-iisip muna bago lumaban.
  • Dyornal - sulating personal na nagsisilbing talaan at paalala ng tao sa kaniyang mga pansariling gawain.

    Mga Uri ng Dyornal
    1. Bullet Journal - ginagamit pangtala ng mga kailangan gawin
    2. Diary - isinusulat ito ang pang-araw-araw na karanasan sa buhay
    3. Reflective Journal - nakaaktulong iproseso ang mga karanasan at nararamdaman
    4. Food Journal - dito sinusulat ang karanasan sa mga pagkaing natikman
    5. Travel Journal - pangdokumento ng mga lugar na napuntahan
  • Anapora - pag-uulit ng mga salita o pariralang nasa unahan ng bawat taludtod.
    Epipora - mga salitang inuulit ay nasa dulo ng bawat taludtod.
    Onomatopeya - tinatawag ding paghihimig.