kompann

Cards (62)

  • Ano ang layunin ng kurso na ito?
    Pag-aaral tungo sa pananaliksik ukol sa kalikasan, katangian, pag-unlad, gamit at paggamit ng Wikang Filipino sa mga sitwasyong komunikatibo at kultural sa lipunang Pilipino.
  • Ano ang wika?
    Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw.
  • Paano naipapahayag ang kaisipan sa wika?
    Sa pamamagitan ng kalipunan ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas.
  • Ano ang pinagmulan ng salitang lengguwahe?
    Ang salitang lengguwahe ay nagmula sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang "dila".
  • Ano ang mas malawak na kahulugan ng "wika"?
    Ang "wika" ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala.
  • Ano ang mga anyo ng wika?
    • Pagsasalita
    • Pagsusulat
    • Wikang pasenyas
    • Musika
    • Sining ng pagpipinta
    • Pagsasayaw
    • Matematika
  • Ano ang mga antas ng wika?
    1. Kolokyal/pambansa
    2. Kolokyalismong karaniwan
    3. Kolokyalismong may talino
    4. Lalawiganin/Panlalawigan
    5. Pabalbal/balbal
    6. Pampanitikan/panitikan
  • Ano ang kolokyal/pambansa?
    Ordinaryong wika na ginagamit ng mga kabataan sa kanilang pang-araw-araw na pakikipag-usap.
  • Ano ang kolokyalismong karaniwan?
    Gamit na salitang may "Taglish".
  • Ano ang kolokyalismong may talino?
    Wika na ginagamit sa loob ng silid-aralan o paaralan.
  • Ano ang lalawiganin/panlalawigan?
    Wikang ginagamit ng isang partikular na lugar o pook.
  • Ano ang pabalbal/balbal?
    Pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng tao, na nabuo sa kagustuhan ng isang partikular na grupo.
  • Ano ang pampanitikan/panitikan?
    Wikang sumusunod sa batas ng balarila at retorika.
  • Ano ang mga kategorya ng paggamit ng wika?
    • Pormal
    • Impormal o di-pormal
  • Ano ang pormal na paggamit ng wika?
    Mga salitang istandard, karaniwan, o pamantayan na ginagamit sa mga usapang pormal.
  • Ano ang pambansa o karaniwan sa pormal na paggamit ng wika?

    Mga karaniwang salitang ginagamit sa mga aklat pangwika o pambalarila sa mga paaralan at pamahalaan.
  • Ano ang pampanitikan o panretorika sa pormal na paggamit ng wika?
    Mga salitang ginagamit sa mga akdang pampanitikan, karaniwang matatayog, malalalim, makulay, at masining.
  • Ano ang impormal o di-pormal na paggamit ng wika?
    Mga salitang karaniwang palasak at madalas gamitin sa pang-araw-araw na pakikipag-usap.
  • Ano ang lalawiganin sa impormal na paggamit ng wika?
    Mga bokabularyong diyalektal na ginagamit sa mga partikular na pook o lalawigan lamang.
  • Ano ang balbal sa impormal na paggamit ng wika?
    Mga salitang nahango lamang sa pagbabago o pag-usod ng panahon, mga salitang nabuklat sa lansangan.
  • Ano ang kolokyal sa impormal na paggamit ng wika?
    Mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong impormal, kasama ang pagpapaikli ng isa o higit pang salita.
  • Ano ang mga kagamitan ng wika?
    1. Proseso ng pagpapalitan ng impormasyon
    2. Pagpapahayag ng pangungusap
    3. Pagpapaliwanag o pagpapaunawa
  • Ano ang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon sa wika?
    Isang proseso na kadalasang ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo.
  • Paano ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng pangungusap?

    Madaling maunawaan ang pangungusap kahit gaano pa kahaba o ano man ang anyo nito.
  • Ano ang pagpapaliwanag o pagpapaunawa sa wika?
    Isang gawaing pangkaisipan upang matugunan ang pakikipag-ugnayan gamit ang mga pananalita o mga hudyat.
  • Ano ang mga pala-palagay sa pinagmulan ng wika?
    May mga palaaral na nagsasabing ang iba't ibang wika sa daigdig ay nagbuhat sa iisang angkan.
  • Ano ang kuwento ng Tore ng Babel?
    Isang kwento kung saan ang lahat ng tao ay may iisang wika ngunit pinarusahan ng Diyos na magkaiba-iba ang kanilang wika.
  • Ano ang nangyari sa mga tao matapos ang pagkakaiba-iba ng kanilang wika?
    Sila'y nagkawatak-watak at kumalat sa iba't-ibang dako ng daigdig.
  • Ano ang mga teorya ng wika?
    • Teoryang Bow-Bow
    • Teoryang Ding Dong
    • Teoryang Pooh-Pooh
    • Teoryang Yo-He-Ho
    • Teoryang Singsong
    • Teoryang Ta-Ta
    • Teoryang Yum-Yum
    • Teoryang Mama
    • Teoryang Hocus Pocus
  • Ano ang teoryang Bow-Bow?
    Naglalahad na ang wika ay nagmula sa panggagaya sa tunog ng kalikasan.
  • Ano ang teoryang Ding Dong?
    Pinagtitibay ang ugnayan ng tunog at kahulugan.
  • Ano ang teoryang Pooh-Pooh?

    Ang wika ay nanggaling sa tunog na nasasambit ng tao dahil sa matinding emosyong nararamdaman.
  • Ano ang teoryang Yo-He-Ho?
    Nabuo ang wika mula sa tunog na nalilikha sa pagbibigay ng pwersang pisikal.
  • Ano ang teoryang Singsong?
    Ang wika ay nagmula sa mga pabulong na dasal o ritwal na bahagi ng kanilang kultura.
  • Ano ang teoryang Ta-Ta?

    Ang wika ay galing sa paslaw ng mga bahagi ng katawan.
  • Ano ang teoryang Yum-Yum?
    Ang tao ay nakakausal ng tunog dala ng gutom at iba pang pangangailangang pisikal.
  • Ano ang teoryang Mama?
    Tumutukoy sa unang sinasabi ng sanggol na "mama" kapalit ng "mother".
  • Ano ang teoryang Hocus Pocus?
    Ayon kay Boree, ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno.
  • Ano ang pananaw ni Plato tungkol sa wika?
    Ang wika ay likas.
  • Ano ang pananaw ni Aristotle tungkol sa wika?
    Ang wika ay napagkasunduan.