KonKom1

Cards (94)

  • Ano ang opisyal na wika na itinadhana sa konstitusyong probisyonal ng Biak-na-Bato noong 1897?

    Tagalog
  • Anong wika ang pansamantalang itinadhana bilang opisyal sa konstitusyong Malolos noong Enero 21, 1899?

    Espanyol
  • Ano ang tanging wikang panturo batay sa rekomendasyon ng komisyong Schurman noong Marso 4, 1899?

    Wikang Ingles
  • Ano ang nilalaman ng batas Tydings-McDuffie na pinagtibay ni Pangulong Franklin D. Roosevelt noong Marso 24, 1934?

    Nagtatadhanang pagkalooban ng kalayaan ang Pilipinas pagkatapos ng sampung taong pag-iral ng Pamahalaang Komonwelt
  • Sa anong taon halos lahat ng kautusan, proklamasyon, at mga batas ay nasa wikang Ingles?
    Noong 1935
  • Kailan pinagtibay ng Pambansang Asemblea ang Konstitusyon ng Pilipinas na niratipika ng sambayanan?
    Noong Mayo 14, 1935
  • Ano ang nilalaman ng Seksiyon 3, Artikulo XII ng Konstitusyon ng 1935 tungkol sa wika?
    • Ang Pambansang Asemblea ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang pambansang wika.
    • Batay ito sa umiiral na katutubong wika.
    • Hanggang walang itinatadhana ang batas, Ingles at Kastila ang patuloy na gagamiting wikang opisyal.
  • Sino ang nanguna sa paggawa ng resolusyon tungkol sa wikang pambansa mula sa Camarines Norte?
    Wenceslao Q. Vinzons
  • Ano ang nilalaman ng Seksiyon 3, Artikulo XIV ng Konstitusyon tungkol sa wikang pambansa?
    • Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang Wikang Pambansa.
    • Batay ito sa umiiral na katutubong wika.
  • Kailan ipinahayag ni Pangulong Manuel L. Quezon ang kanyang plano na magtatag ng Surian ng Wikang Pambansa?
    Noong Oktubre 27, 1936
  • Ano ang magiging tungkulin ng Surian ng Wikang Pambansa ayon sa plano ni Pangulong Quezon?
    Gumawa ng pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas upang mapaunlad at makapagpatibay ng isang wikang panlahat
  • Anong batas ang pinagtibay ng Kongreso noong Nobyembre 13, 1936 na nagtatag sa unang Surian ng Wikang Pambansa?
    Batas Komonwelt Blg. 184
  • Ano ang mga kapangyarihan at tungkulin ng Surian ng Wikang Pambansa?
    • Gumawa ng pag-aaral sa mga pangkahalatang wika sa Pilipinas.
    • Magpaunlad at magpatibay ng isang wikang panlahat na Wikang Pambansa.
    • Bigyang-halaga ang wikang pinakamauunlad ayon sa balangkas, mekanismo, at panitikang tinatanggap.
  • Kailan hinirang ng Pangulo ang mga kagawad ng Surian alinsunod sa Seksiyon 1, Batas Komonwelt 185?
    Noong Enero 12, 1937
  • Sino-sino ang mga kagawad ng Surian ng Wikang Pambansa na hinirang noong Enero 12, 1937?
    • Jamie de Veyra (Bisaya, Samar-Leyte) - Pangulo
    • Santiago A. Fonacier (Ilokano) - Kagawad
    • Filemon Sotto (Cebuano) - Kagawad
    • Casimiro Perfecto (Bicolano) - Kagawad
    • Felix S. Rodriguez (Bisaya, Panay) - Kagawad
    • Hadji Butu (Mindanao) - Kagawad
    • Cecilio Lopez (Tagalog) - Kagawad
  • Bakit pinalitan si Filemon Sotto sa kanyang posisyon sa Surian?

    Dahil hindi tinanggap ni Sotto ang kanyang posisyon
  • Ano ang ipinahayag ng Surian noong Nobyembre 7, 1937 tungkol sa pambansang wika?
    Tagalog ang gawing batayan ng Pambansang Wika
  • Bakit Tagalog ang napiling batayan ng pambansang wika ayon sa Batas Komonwelt Blg. 184?

    Dahil ito ang halos tumutugon sa hinihingi ng Batas Komonwelt Blg. 184
  • Anong kautusan ang nagpapatibay sa Tagalog bilang batayang wika ng Pambansang Wika ng Pilipinas noong Disyembre 30, 1937?
    Katautusang tagapagpalaganap Blg. 134
  • Ano ang nangyari pagkatapos ng dalawang taon matapos maihanda at mailimbag ang gramatika at diksyunaryo ng Tagalog?
    Nagkaroon ito ng bias
  • Anong batas ang binago noong Hunyo 18, 1938 na naglipat sa Surian sa tuwirang pamamahala ng Pangulo ng Pilipinas?
    Batas Komonwelt Blg. 184
  • Ano ang ipinag-uutos ng Kautusang Tagapagpalanaganap Blg. 263 na inilabas noong Abril 1, 1940?

    Pagpapalimbag ng Tagalog-English Vocabulary at ng isang aklat sa gramatika na pinamagatang Ang Balarila ng Wikang Pambansa
  • Ano ang mga nilalaman ng Kautusang Tagapagpalanaganap Blg. 263 na inilabas noong Abril 1, 1940?
    • Pagpapalimbag ng Tagalog-English Vocabulary.
    • Pagpapalimbag ng aklat sa gramatika na pinamagatang Ang Balarila ng Wikang Pambansa.
    • Pagtuturo ng Wikang Pambansa simula Hunyo 19, 1940 sa mga Paaralang Publiko at Pribado sa buong kapuluan.
  • Anong grupo ang nabuo noong 1942 nang dumating ang mga Hapon sa Pilipinas?
    Purist
  • Ano ang layunin ng grupong "purist" na nabuo noong 1942?
    Nagnanais na gawing Tagalog ang wikang pambansa at hindi batayan lamang
  • Ano ang utos ng pangasiwaang Hapon tungkol sa wikang pambansa?

    Baguhin ang probisyon sa konstitusyon at gawing Tagalog ang wikang pambansa
  • Ano ang nilalaman ng Artikulo IX, Seksiyon 2 ng Konstitusyon ng 1943 tungkol sa Tagalog?
    • Ang pamahalaan ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapalaganap ng Tagalog bilang wikang pambansa.
  • Ano ang petsa ng paglabas ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 1?
    Abril 12, 1940
  • Ano ang layunin ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 1 na inilabas noong Abril 12, 1940?
    Ang pagtuturo ng wikang pambansa ay sisimulan sa mga mataas at paaralang normal.
  • Anong batas ang pinagtibay ng Pambansang Kapulungan noong Hunyo 7, 1940?
    Batas Komonwelt Blg. 570
  • Ano ang kinikilala ng Batas Komonwelt Blg. 570?
    Ang Pambansang Wika bilang isa sa mga Wikang Opisyal ng Pilipinas simula Hulyo 4, 1946.
  • Sino ang sumulat ng Baralila ng Wikang Pambansa na nailathala noong 1941?
    Lope K. Santos
  • Ano ang nangyari matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1946 kaugnay sa Surian ng Wikang Pambansa?
    Nakapagpalabas ng talatinigan at gabay sa Ortograpiya.
  • Anong kautusan ang ipinalabas ni Pangulong Manuel A. Roxas noong Oktubre 4, 1947?

    Kautusang Tagapagpalaganap Blg. 84
  • Ano ang layunin ng Kautusang Tagapagpalaganap Blg. 84?
    Reorganisasyon ng iba't ibang sangay ng pamahalaan.
  • Anong proklamasyon ang nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay noong Marso 26, 1945?

    Proklamasyon Blg. 12
  • Ano ang nilalaman ng Proklamasyon Blg. 12?
    Itinatakda ang petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril.
  • Anong petsa ang nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 186?
    Setyembre 23, 1955
  • Ano ang nilalaman ng Proklamasyon Blg. 186?
    Naglilipat ng petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto.
  • Anong sirkular ang nilagdaan ni Gregorio Hernandez noong Pebrero 1956?

    Sirkular 21