isang network na maaari kang makapag-access sa iba’t ibang website
website
ito ang mga pahina na maaari mabisitang o ma-access ng publiko, ito ang bumubuo sa World Wide Web.
BLOG
pinaiikli ang katawagan mula sa “weblog” ay isang makabagong pamamaraan ng pagsulat na nagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa iba’t ibang paksa sa pamamahagi ng internet.
"online journal” o “online diary”
Kahulugan ng BLOG
isang website na maaaring mabasa ng kahit na sino na makakakita ng iyong blog
Tinatawag na “blogger” ang mga taong gumagawa nito.
Pamamaraan sa Pagsulat ng “Blog”
Pagpili ng “Blogging site”
Paksa o Tema ng Blog
Pamagat ng Blog
Pagsulat ng Nilalaman ng Blog
Pagpili ng “Blogging site”
Libre ang mga site na ito. Kung ano sa palagay mo ang site na komportable kang gamitin.
Paksa o Tema ng Blog
Malaya ang isang blogger kung anong paksa ang kaniyang nais ilahad sa mga mambabasa. Makabubuti na ang pipiliing paksa ay may kinalaman sa iyong interes o hilig nang sa gayon ay maging komportable ka sa pagsulat nito.
Pamagat ng Blog
Marapat na sa pamagat pa lamang ay nakukuha na nito ang atensyon ng iyong mga magiging mambabasa.
Makabubuti rin na panatilihin itong maikli at katangi-tangi upang madaling matandaan ng iba.
Pagsulat ng Nilalaman ng Blog
Kapag nakapili ka na ng iyong magiging paksa at pamagat, maaari ka na magsimula sa pagsulat ng iyong “blog”.
Hindi kinakailangan na maging mahusay ka agad sa pagsulat, ang mahalaga ay malinaw mong maipahayag sa iyong mga mambabasa ang iyong sariling opinyon, karanasan, o nararamdaman tungkol sa paksa na iyong binibigyang pagtalakay.