Kahulugan ng Mga Salitang May Higit Isang Kahulugan

Cards (8)

  • diin
    Tumutukoy sa antas ng lakas o bigat ng pagbikas ng salita o bahagi nito
  • sambitla
    Kataga o salitang nabubulalas na nagpapahayag ng damdamin
  • tuldik
    Diin o marka na inilalagay sa ibabaw ng patinig ng salita upang ipahiwatig ang tamang bigkas ng salita.
  • MGA PANGUNAHING DIIN SA FILIPINO
    1. Malumay
    2. Malumi (`)
    3. Mabilis (')
    4. Maragsa (^)
  • Malumay
    • Marahan ang pagbikas. Ang diin ay nasa ikalawang pantig mula sa huli.
    • Ang mga salitang malumay ay hindi tinutuldikan at karaniwan ay nagtatapos sa katinig o patinig.
    • Halimbawa: sarili kanlungan tao
  • Malumi (`)
    • Katulad rin ng malumay, ang diin nito ay nasa ikalawang pantig ngunit nagtatapos sa impit (glotal) na tunog.
    • Lagi itong nagtatapos sa patinig.
    • Ang huling letra ay may paiwang tuldik (`).
    • Halimbawa: tali lahi
  • Mabilis (ˊ)
    • Tuloy-tuloy na pagbikas na ang diin ay nasa huling pantig ngunit wala itong impit sa dulo.
    • Ginagamitan ng tuldik na pahilis (ˊ). Nagtatapos ito sa katinig at patinig.
    • Halimbawa: bulaklak
  • Maragsa (^)
    • Binibigkas ito tulad nang mabilis, ang pinagkaiba lamang, may impit (glotal) sa dulo.
    • Ito ay laging nagtatapos sa patinig. Tinutuldikan ito ng pakupyâ (^).
    • Halimbawa: bungo paniki bago